Archive | Uncategorized

DSWD distributes 1,260 Family Food Packs to affected families in Hermosa, Bataan

Typhoon Hanna has brought intermittent rainfall to some parts of Central Luzon. As of August 7, 2019 12:00 nn, there are 8,678 affected families in the province of Bataan.

DSWD distributes 1,260 family food packs (FFP) to the affected families in barangays Bacong, Pulo and Daungan in Hermosa, Bataan.

The FFP contains six (6) kilograms of rice, six (6) sachets of instant coffee mix, four (4) cans of sardines and four (4) cans of corned beef which is good for a family of five (5) members, which could last for 2-3 days.

Mr. Eric Catabay expressed his appreciation, “Malaking tulong po sa pamilya ko dahil hindi ko na po kailangan mamroblema ng aming kakanin sa mga susunod na araw.”

Posted in UncategorizedComments (0)

11 Volunteers ng DSWD Kalahi-CIDSS Region 3 dadalo sa 3rd National Community Volunteers’ & 5th National Bayani Ka! Awards

11 na community volunteers (CVs) ng DSWD Kalahi-CIDSS Region 3 ang dadalo sa 5th National Bayani Ka! Awards and 3rd Community Volunteers’ Congress sa Butuan sa August 13-16, 2019.

Ang mga kalahok ay ang mga kinatawan ng anim (6) na Regional awardees ng Bayani Ka! noong October 30, 2018.

Kinikilala ang: KABABAIHAN ng Barangay Balangkare Sur, General Mamerto Natividad, Nueva Ecija at PARENT-TEACHERS ASSOCIATION ng Barangay Villa Rosenda, Talugtug, Nueva Ecija, bilang kabahagi sa pagsasakatuparan ng Gender and Development, sa pamamagitan ng pagsusulong ng pantay na partisipasyon, na walang tinitignang kasarian; BARANGAY TANOD

ng San Andres II, Quezon, Nueva Ecija, bilang kabahagi sa pagsusulong mga hakbanging may

kinalaman sa Environment Protection; KAPATIRAN SA KAUNLARAN ng Barangay Doña Lucia, Quezon, Nueva Ecija, bilang kabahagi ng pagsusulong ng Improved Local Governance; FEDERATION OF SENIOR CITIZEN ng Barangay Piñahan, General Mamerto Natividad, Nueva Ecija, bilang tagapagpatibay na malaki ang kontribusyon ng mga nakatatanda sa pagpapaunlad ng lipunan; at, MISEREOR YOUTH MINISTRY ng Barangay Balaring General Mamerto Natividad, Nueva Ecija, bilang tagapagsulong ng mga adbokasiya ng sektor ng mga kabataan.

Ang mga CVs ng programang Kalahi-CIDSS (Kapit-bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services) ay s’yang nagsisilbing buhay at dugo ng programa sapagkat sa Community-Driven Development (CDD) approach ng programa ay mismong ang taumbayan ang gumagalaw para sa pagsasakatuparan ng mga proyekto sa kani-kanilang barangay.

Ang National Bayani Ka! Awards ay ang taunang aktibidad ng programa kung saan binibigyang parangal at kinikilala ang malaking ambag ng mga volunteers sa kanilang mga komunidad. Samantala ang Community Volunteers’ Congress ay ang lugar kung saan naibabahagi ng mga volunteers sa kanilang mga kapwa volunteers ang kanilang mga naging karanasan sa programa. Dahil ito ay dinadaluhan ng 14 regions na mayroong Kalahi-CIDSS sa Pilipinas.

Posted in UncategorizedComments (0)

Basura ng Henerasyon, MRF ang Solusyon

Hindi na bago ang pagbaha sa bayan ng La Paz, Tarlac. Ito ay dahil na rin sa geographical na lokasyon nito, isama pa rito ang kontribusyon ng pagdami ng basura. Bilang paglaban sa mga ganitong epekto ng kalamidad, kabilang ang Bayan ng La Paz sa mga aktibong nagpapatupad ng programang Climate Change Adaptation and Mitigation Disaster Risk Reduction (CCAM-DRR) ng DSWD. Isa sa mga naunang proyekto rito ay ang paglilinis ng mga kanal, na kalauna’y itinuon sa Materials Recovery Facility (MRF). 

Ayon kay Pedro F. Cruz Jr., Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO), “ang MRF ay kung saan natin pinoproseso ang mga basura [ng kinolekta.]” Kasama sa prosesong kaniyang nabanggit ay ang paghihiwalay ng mga nabubulok at mga maaari pang pakinabangan. 

Mga hiniwalay na basurang nabubulok na ihahalo sa lupa upang gawing pataba.

Bawat barangay ay may sariling MRF bilang pagtugon na rin sa ordinansa ng waste management. Dito pansamantalang nilalagay ang mga nakahiwalay na basura na nakolekta sa mga kabahayan. Pagkatapos ay ipapadala ang mga ito sa Municipal MRF.

Ang paglilinis ng kanal ay bahagi ng implementasyon ng CCAM.

Sa Municipal MRF, pinoproseso muli ang mga nakolektang basura gamit ang mga espesyal na kagamitan. Sa pagkakataong ito, pinaghihiwalay na ang nabubulok upang gawing pataba, at mga plastic at bote upang gawing pavers o bricks. Samantala, ang mga natirang mga basurang hindi mapapakinabangan ay mapupunta sa landfill.

Ang makinang ginagamit sa pagdurog ng mga bote at salamin.
Ang makinang ginagamit pangbulbos ng plastic.

Pinupulbos ang mga materyal na gawa sa plastic at salamin pagkatapos ay hinahalo ito sa buhangin at semento upang gawing bricks, na siyang gagamitin sa pagpapatayo ng mga imprastraktura sa bayan. Kapag pinagsama ang isang timbang pinulbos na salamin, dalawang timbang buhangin, ¼ ng timbang plastic, at kalahating sako ng semento ay makakagawa ng 45 bricks. Habang ang mga nabubulok na basura naman ay hinahalo sa lupa upang gawing pataba.

Mga dinurog na bote na inihahalo sa semento, buhangin at pinulbos na plastic upang gawing bricks o pavers.
Ang makinang pangpoproseso ng mga basurang nabubulok.
Mga eco-bricks na produkto ng MRF.

Ang mga benepisyaryo ng CCAM-DRR ang mga nagse-segregate ng mga basura, at tumutulong sa paggawa ng bricks at pataba. Naging daan ang programang ito sa pagpapalawak ng kamalayan at kaalaman ng mga mamamayan patungkol sa tamang pag-segregate ng basura. Tulad na lamang ni Ria Angela Nacpil, benepisyaryo ng programa, “’yong mga basura dito [sa amin] hindi na sinusunog, hindi na kalat-kalat, dinadala na sa isang lugar [doon] sa MRF.” “Dati hindi naman namin ginagawa ‘yun [pagsesegregate], pagsusunog talaga ang ginagawa namin,” dagdag pa niya.

Ang CCAM-DRR ay naglalayong tumugon sa mga epekto ng climate change. Sa pagpapatupad nito nabawasan na ang kalat na nagiging sanhi ng pagbaha sa La Paz. Naisakatuparan ito sa pagtutulungan ng mga bawat isa mula sa mga nagpapatupad ng programa hanggang sa pagsunod ng mga mamamayan. 

Sa hinaharap, sinusulong ang MRF na maging micro-enterprise upang mapagkakitaan ng bayan. Ayon kay Eunice Ocampo, Municipal Social Welfare and Development Officer, “ang basurang akala mo hindi mo na mapapakinabangan, at ang mga basurang akala mo magiging problema, pwede pala itong maging main source ng income ng LGU at ng mga mamamayan ng bayan ng La Paz.”

Posted in UncategorizedComments (0)

Emergency Shelter Assistance for April 22 Earthquake Starts Tomorrow

Emergency Shelter Assistance (ESA), a program of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) which focuses on early recovery and rehabilitation of disaster victims/survivors. The program provides financial assistance to the affected families whose houses were damaged caused by natural or man-made disasters.

On April 22, a 6.1 magnitude earthquake jolted Central Luzon. DSWD immediately responded and provided relief assistance. The department also deployed staff to validate the reported damaged houses. There were a total of 3,135 validated damaged houses in the 3 provinces in Region III; 2,230 partially damaged, 905 totally damaged.

DSWD Region III to conduct pay-out of ESA for on July 31 to August 2, 2019. The schedule of pay-out per municipality/city is as follows.

Pay-out for ESA beneficiaries in Bataan and Zambales is yet to schedule in August.

ESA has 2 categories: totally and partially damaged houses. In which ₱30,000 plus 10 days built-in Cash for Work (CFW) for the former, while  ₱10,000 plus 5 days built-in CFW for the latter. For Central Luzon, the rate of CFW is ₱300 per day.

Posted in UncategorizedComments (0)

Residente ng Pabahay, Umaani Ngayon ng Gulay

Talong, patola, at tanglad, ilan lamang ito sa mga inaaning gulay sa Casa Vista Resettlement. Ito ang bunga ng proyektong Community Gardening sa Plaridel Bulacan na bahagi ng programang Climate Change Adaptation and Mitigation Disaster Risk Reduction (CCAM-DRR) ng DSWD. Inilunsad ang proyektong ito upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain (food security) ng mga inilikas sa Casa Vista. 

Mga tanim na talong sa communal garden ng Casa Vista Resettlement.

Upang masiguro ang kaligtasan, inilikas ang informal settlers na naninirahan sa gilid ng Angat River at ibang daluyan ng patubig, sa mas ligtas at konkretong tirahan – ang Casa Vista Resettlement.

Mga tanim na malunggay at tanglad.

Gayunpaman, ang paglayo sa kapahamakan ay siya ring paglayo sa pinagtatrabahuan at kabuhayan. Kaya naman, sinimulan ang community gardening upang ang pang-araw-araw na pagkain ay hindi na problemahin ng mga ressetlers. Sa pagtubo ng tanim, mayroon ng aanihin.

Pag-aani ng talong sa community garden.
Sama samang pagtatanim ng mga residente ng Casa Vista Resettlement.

Ang mga residente mismo ang nagtatanim, naglilinis at nangangalaga ng communal garden. Walang lupa ang hindi nagagamit sa Casa Vista dahil lahat ng ito ay tinatamnan at napakikinabangan.

Natatapos din ang implementasyon ng cash-for-work na kalakip ng CCAM-DRR ngunit hindi nagtatapos ang Plaridel sa kanilang proyekto. Hinikayat rin ang mga residente na magtanim sa harap ng kanilang bahay na sinunod ng karamihan.

Hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Plaridel ang pagtatanim ng gulay sa tapat ng bahay ng ma residente.

Isa si Erlinda Alcantara sa mga residente na nagtatanim sa harap ng kaniyang bahay, “Noong  nataniman na po namin [ang lupa] nagkaroon na kami ng pinagkukunan–nakatulong sa pagtawid namin ng pagkain sa araw-araw.” Bukod sa pagtatanim, aktibo rin siyang nakikilahok sa pagpapanatili ng kalinisan sa Casa Vista.

Pag-aani ng residente sa mga bunga ng mga tanim nitong gulay.

Parami nang parami ang mga gulay na pinapatubo at inaani sa lugar. Nagsisimula nang umusbong ang mga tanim na luyang dilaw at iba pa. Sa hinaharap, mas lalo pang mapapakinabangan ng mga residente ng Casa Vista ang lupang binahagi sa kanila. Ang kanilang mga inani ay maaari nilang ilako at i-proseso. Tagumpay itong maituturing, dahil sa pagtutulungan ng mga residente napapakinabangan nila ang kanilang itinanim na tumutulong din sa paglaban sa epekto ng climate change.

Posted in UncategorizedComments (0)

Hindi hadlang ang Edad sa Pagtulong sa barangay

“Naragsak ak ta madi lang nga nakatulong kingak ti panagtrabahok ti proyekto ti Kalahi. Naragsak ak nakatulong ak metlang ti baryo (Masaya ako dahil hindi lang ako natulungan ng pagtatrabaho ko sa proyekto ng Kalahi. Masaya ako dahil nakatulong ako sa ka-barangay ko),” bahagi ni Perfecto Santiago, 75 taong gulang, Residente ng Barangay Cinense, Talugtug, Nueva Ecija.

Si tatay Perfecto ay isa sa mga anim (6) na paid laborers sa proyektong pagsasaayos ng barangay road sa Purok 3,4 & 5 sa Barangay Cinense, Talugtug, Nueva Ecija. Ito ay may habang 0.23km. Ang pangunahing trabaho ni tatay Perfecto sa nasabing gawain ay ang pagigib ng tubig.

Kwento niya, malaking tulong daw sa kanyang pamilya ang kanyang pakikilahok sa nasabing proyekto. Ayos sa kanya, ang tanging kinabubuhay nila ay ang pagpupulot ng mga natirang palay pagkatapos ng anihan. Umaabot sila ng tatlong linggo bago mapuno ang isang sako.

Sa apat na araw na pagtatrabaho niya sa proyekto ay kumita siya ng Php 1,400. At, ayon sa kanya ay malaking bagay na ito para sa kanilang mag-asawa, pambili ng bigas at pagkain.

Bukod sa kanyang kinita sa pagtatrabaho ay masaya rin si tatay Perfecto dahil sa wakas ay natugunan na ang kanilang problema sa daanan. Hirap kasi ang mga residente sa naturang daan lalo na tuwing tag-ulan.

Ang proyekto ay may kabuang pondo na Php 1,732,100.00. Php 1,660,400.00 dito o 95.86% % ay mula sa DSWD Kalahi-CIDSS at Php 71,700.00 o 4.14% naman ay mula sa Municipal Local Government Unit.

#

Posted in UncategorizedComments (0)

Walang Pagaalinlangan sa Gabion ng Dingalan

Taong 2014 nang tamaan ng Bagyong Yoyong ang bayan ng Dingalan, Aurora. Mula noon, laging binabalot ng takot ang residente sa tuwing uulan. Isa sa mga pinangangambahan nila ay ang pag-apaw ng ilog na umamabot sa mga kabahayan, dahilan ng madalas na paglikas. Ito ang madalas na eksena sa Brgy. Davil Davilan hanggang sa Poblacion ng bayan.

Itinayong gabion sa Brgy. Aplaya, Dingalan, Aurora.

Upang masolusyunan ang suliraning kinakaharap, naging bahagi ang Dingalan sa implementasyon ng programang Climate Change Adaptation and Mitigation Disaster Risk Reduction (CCAM-DRR) ng DSWD. Isa sa mga proyekto nito ay ang paglalagay ng gabion sa daluyan ng ilog.

Ang gabion ay isang sisidlan na may karaniwang laman na mga pinagpapatong-patong na bato. Sa pagpapatupad ng CCAM-DRR, ang mga benepisyaryo ay maghahakot ng mga bato sa ilog at isasalansan upang gawing gabion. Ito ay unang inilalatag sa gilid ng ilog sa Brgy. Davil Davilan.

Mga wire mesh na gamit upang magawa ang gabion.

Dahil sa kagandahang dulot nito, pinondohan pa ang pagpapagawa nito sa halos kabuuan ng ilog sa Dingalan–hanggang Barangay Aplaya. Kasama rin sa programa ang cash-for-work na ibinabahagi kapalit ng 10 araw ng pagtatrabaho.

Gabion sa Brgy. Davil Davilan, Dingalan, Aurora

Kaantabay sa pagpapatupad ng CCAM-DRR ang mga kapitan ng barangay. Sila ang mga nangangasiwa at nagmomonitor ng proyekto. Ayon kay Punong Barangay Abner Narciso ng Brgy. Davil Davilan, “mas maganda ang gabion dahil tali-tali, [ang mga bato] hindi ito kayang matibag.”

Dagdag pa niya kahit tapos na ang implementasyon ng CCAM-DRR patuloy pa rin ang paghahakot at pagsasalansan ng mga residente. 

Pagsasalansan ng mga bato upang mabuo ang Gabion.

“Nagvolunteer sila para maisakatuparan at maiayos namin itong mga gabion. Talagang willing sila dahil nakita na nila kung gaano kalakas ang tumama ‘yung bagyo noong 2004,” kwento niya.

Paghahakot ng bato ng isa sa mga benepisyaryo ng programa.

“Hindi na kami nangangamba–nakakatulog na nang maayos,” dagdag pa ni Kapitan Leo Agustin ng Brgy. Aplaya, magbuhat nang maitayo ang mga gabion sa kanilang barangay.

Bukod sa layunin ng CCAM-DRR na labanan ang epekto ng climate change, malaki ang naiaambag ng gabion sa Dingalan sa kapanatagan ng kalooban at pagiging matatag ng mga mamamayan. 

Posted in UncategorizedComments (0)

Mga Katuwang at Kaagapay sa Pagtanim ng Katuray

“Kapag sinabing katuray, solo parents ang agad na papasok sa isip ng mga taga Bulacan,” pagmamalaki ni Ma. Victoria Morelos, Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng Bulakan.

Mga puno ng katuray sa Brgy. San Francisco na itinanim noong 2015.

Batay sa pag-aaral ng Bulacan State University (BSU), nasa critical level na ang polusyon ng ilog sa Bulakan. Ito ay may malaking epekto sa mga isdang nahuhuli ng mga residente. Upang mabawasan ang polusyon, inerekomenda ang pagpapatubo ng mga halaman na may phytoremediation properties o kakayahang mag-absorb ng mga polusyon. Isa sa mga ito ay ang puno ng katuray.

Ang Katuray and Cotton Tree project ay isa sa mga natatanging proyekyo ng mga solo parents sa Bulakan.

Pagpuputol ng mother tree ng katuray.

Nagsimula ang proyekto noong 2015 na hanggang ngayon ay patuloy na isinasagawa. Kaagapay sa programa ang Solo Parents Federation (SPF) ng Bulakan. Sila ang nangunguna sa pagtatanim at pangangasiwa sa programa. Napapadali ang implementasyon ng programa dahil malaki ang kanilang naging papel dito.  Nag-iwan sila ng marka. Sa tuwing maririnig mo ang salitang katuray, maaalala mo na ito ay proyekto ng mga solo parents. 

Pagpuputol ng mga sanga na ipupunla.

Ang pagtatanim ng katuray ay naging bahagi ng implementasyon ng Climate Change Adaptation and Mitigation – Disaster Risk Reduction (CCAM-DRR). Kaakibat nito ang sampung araw na cash-for-work. 

Ang cash-for-work ay maituturing na karagdagang kabuhayan sa mga solo parents. “Nagkaroon ng pagsasama-sama ang mga benepisyaryo, [parang naging] family na sa pagtatanim ng katuray.” Ito ang nakikita ni Josephine Delos Santos, president ng SPF, na naidulot ng programa sa kanila, bukod pa sa pagkakaroon ng karagdagang kaalaman.

Kaagapay ang Solo Parents Federation sa pagtatanim ng katuray.

Mayroong mga nursery ang bawat barangay na kung saan pinupunla ang mga katuray bago itanim. Katuwang naman dito ang Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP) ng Bulakan. Maliban sa katuray, pinupunla rin dito ang mga karumata, cotton tree at luyang dilaw.

Mga punla ng katuray sa nursery ng Brgy Balubad.

Malaki ang kontribusyon ng mga kabataan sa programa lalo na sa pag-aalaga ng mga punla na binabahagi sa ibat-ibang barangay. Ayon kay Angel Almario, secretary ng PYAP-Bulakan, “ang mga nakukuha namin sa cash-for-work, ‘yon din po ang ginagamit namin para mas maparami pa ang mga halaman na ma-distribute sa barangay.” Ito ay sa pamamagitan ng pagbili ng mga kagamitan na maaaring magamit sa nursery.

Mga puno ng katuray sa gilid ng Joggers’ Road.

Sa kabuuan, layon ng Bulakan na palawakin ang kaalaman ng mga mamamayan sa mga indigenous na halaman tulad ng katuray at bulak. Naniniwala rin sila na malaki ang naitutulong nito sa climate change. 

Hanggang ngayon, kahit walang cash-for-work, patuloy pa rin ang pagpapatupad ng programa. Itinuturing na ito na bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay sa Bulakan.  Ito ay dahil sa patuloy na pagsuporta ng mga katuwang at kaagapay hindi lang sa pagtatanim ng katuray pati na rin sa programang lumalaban sa epekto ng climate change.

Posted in UncategorizedComments (0)

Transparency Seal

citizenzcharter

eaics_logo

philgeps

Tweets by ‎@dswdfo3


Related Sites

PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1YS5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8yPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yi5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yy5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1ZC5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfYWRzZW5zZTwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9kaXNhYmxlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbS9hZHMvMzAweDI1MGEuanBnPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHBzOi8vZm8zLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvdXBsb2Fkcy8yMDE3LzAzL2Jhbm5lcl9mbzMucG5nPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzI8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMzwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRzX3JvdGF0ZTwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hbHRfc3R5bGVzaGVldDwvc3Ryb25nPiAtIGRlZmF1bHQuY3NzPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYXV0aG9yPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hdXRvX2ltZzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fY3VzdG9tX2Nzczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9mYXZpY29uPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVhdF9lbnRyaWVzPC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgbnVtYmVyOjwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXR1cmVkX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgY2F0ZWdvcnk6PC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl9pZDwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlZWRidXJuZXJfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZ29vZ2xlX2FuYWx5dGljczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9mbzMuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC91cGxvYWRzLzIwMTcvMDMvcnN6X2ZpbmFsX2xvZ29fZHN3ZC5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19tYW51YWw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vc3VwcG9ydC90aGVtZS1kb2N1bWVudGF0aW9uL2dhemV0dGUtZWRpdGlvbi88L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19yZXNpemU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvcnRuYW1lPC9zdHJvbmc+IC0gd29vPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd19jYXJvdXNlbDwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd192aWRlbzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2luZ2xlX2hlaWdodDwvc3Ryb25nPiAtIDE4MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV93aWR0aDwvc3Ryb25nPiAtIDI1MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RhYnM8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RoZW1lbmFtZTwvc3Ryb25nPiAtIEdhemV0dGU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb192aWRlb19jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIFNlbGVjdCBhIGNhdGVnb3J5OjwvbGk+PC91bD4=