Pinangunahan nina DSWD Field Office 3 – Central Luzon Regional Director Venus F. Rebuldela, City Mayor Arthur B. Robes, Congresswoman Florida P. Robes, Department of Trade and Industry Region 3 OIC-Regional Director Brigida T. Pili, at Department of Agriculture Region 3 Regional Technical Director for Operations and Extension Dr. Arthur D. Dayrit ang pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa siyudad ng San Jose Del Monte Bulacan.

Ipinaabot ni Dir. Rebuldela ang kanyang pagbati sa mga nakibahaging exhibitors at ipinagmalaki ng direktor ang apat na program participants ng Sustainable Livelihood Program (SLP) na nakibahagi sa isinagawang Kadiwa ng Pangulo.

Ani Dir. Rebuldela ang mga SLP program participants na nakilahok sa isinasagawang Kadiwa ng Pangulo ay syang bunga ng mithiin ng DSWD at SLP na mapataas ang antas ng kasanayan at kabuhayan ng mga kalahok ng programa.

Kasabay ng pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo isinagawa ang awarding ng mga Seed Capital Fund checks para sa 53 kwalipikadong program participants na nagkakahalaga ng Php 10,000 bawat isa o may kabuuang halaga na Php 530,000 bilang tulong mula sa ahensya upang mas mapalago ang kabuhayan ng mga kalahok sa programa.

Isinagawa din ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) payout para sa mga mamayan ng San Jose Del Monte na sa tinatayang 2,500 katao ang natulungan at nakatanggap ng Php 2,000 mula sa DSWD Field Office 3 – Central Luzon

Mag papatuloy ang Kadiwa ng Pangulo hanggang sa ika -16 ng Abril at ang isinasagawang AICS Payout para sa karagdagang 2,500 solo parents, informal settlers at iba pang pamilyang nangangailangan ng tulong sa syudad ng San Jose Del Monte Bulacan.

Sa ngalan ni DSWD Secretary Rec Gatchalian, sinugurado ni Dir. Rebuldela na laging maasahan ang DSWD sa paghahatid ng maagap, mapagkalinga, matapat at mahusay na serbisyo na may extra love at care para sa lahat ng mamayan ng San Jose Del Monte Bulacan.

image_pdfimage_print