Ang Hamon sa mga Modelong Ama


“Sikapin natin, mga Tatay, na manguna sa laban upang wakasan ang bilang ng mga batang nauulila, naaabandona, at dinadala sa centers and institution ng DSWD,” ani Dir. Gabuya, matapos ibahagi ang ilang statistics na may kinalaman, sa ngayo’y kampanya ng administrasyon laban sa droga. “Kayong mga modelong ama ang s’yang pagkukuhanan ng susunod na henerasyon ng magiging pagtingin nila sa mundo,” dagdag pa niya.

Ang mga makakahulungang salita na ito ay ibinahagi ni Dir. Gabuya sa Kauna-unahang Pagkilala sa mga Modelong Ama ng 4Ps, na may temang, “Kalalakihan, Ka-partner sa Pagsulong ng Karapatan ng Kababaihan.”

“Naniniwala ako na bago pa dumating ang Regional Search for Modelong Ama ng Pantawid Pamilya, ay mayroon, sa mga 4Ps Households na may model families, kung saan mayroong modelong ina at ama,” bahagi ni Gng. Tomasa T. Lirio, ang Regional Program Coordinator (RPC) ng 4Ps sa Gitnang Luzon. Nais na manguna ng 4Ps, at maging katuwang ng gobyerno sa pagpapalaganap ng women’s right at pagsugpo sa mga dikriminasyon na bumabalot sa sistema, istraktura, polisiya, programa, at mga proseso sa lipunan. Gayunpaman, kahit ang Pantawid ay kilala sa pagkakaroon ng mukha ng kababaihan, sapagkat 89% ng grantees nito ay pawang kababaihan, hindi pa rin nito tinatanggal ang pagkilala sa mga kalalakihan, pagkilala bilang aktibong kabahagi ng mga kababaihan sa paghuhubog ng mas tamang gampanin o gender relations sa loob ng tahanan ng mga Pantawid households o sambahayan, na s’yang naging pundasyon ng pagkakabuo ng naturang National Search for Modelong Ama ng Pantawid Pamilya, na s’ya namang binaba sa bawat rehiyon at probinsya.

Ngayong taon, 2017, dito sa Gitnang Luzon ay itinanghal si G. Danilo B. Salonga bilang Modelong Ama ng Pantawid Pamilya. “Sa bawat tahanan dapat magsimula ang pagkakapantay-pantay ng bawat indibidwal, dapat kilalanin natin bilang mga ama, ang importansya ng sektor ng kababaihan at kabataan bilang sa pagbuo ng mas matatag na tahanan at lipunan,” pagbibigay diin ni Tatay Danilo sa isang talumpati. Si Tatay Danilo ay ang Modelolong Ama mula sa Sitio Kinaragan, Duale, Limay, Bataan.

Dalawapu’t pitong taon na Chieftain ng tribong Magbukon sa kanilang lugar si Tatay Dani, at sa loob ng 27 taon na iyon, sa kabila ng kawalan ng sweldo at honorarium, ay napagtagumpayan niyang makapagpatapos ng mga anak, at mailapit ang posibilidad na makapag-aral din at magkaroon ng magandang buhay pati na ang mga kapwa niya katutubo, lalaki man o babae. Kaya naman, ang ngayo’y bagong Chieftain ng tribo, ay isang babae, si Margarita Rosales.

Nakapagpasa siya ng resolution, Resolution No. 95 noong July 11, 2016 na naglalayong pondo ng pagsusukat at pagpapalabas ng mga sertipiko o titulo ng lupa ng mga katutubo (ancestral domain title) para sa mga Aeta ng probinsya ng Bataan, na nagkakahalaga ng 4.2 milyong piso. At hindi lamang natatapos doon ang lahat, sapagkat ang 20% ng neto o kita ng probinsya ng Bataan ay direktang napupunta sa samahan ng mga katutubo na may maayos na istraktura ng organisyon. At binibigyan din ng tatlong araw sa isang lingo na makapagtinda ang mga katutubo ng kanilang tanim at ani sa palengke ng bayan ng Limay.

Ang panganay na anak ni Tatay Dani, Si Rita S. Castillo, ay isa na ngayong Konsehala ng bayan ng Limay, at tagapataguyod at tagapag representa ng boses ng mga katutubo sa kanilang bayan. At sa mas mataas na kapulungan naman, sa buong probinsya, si Tatay Dani ang Bokal ng tribong Ambala at Magbukon sa dalawang probinsya ng Bataan. Sa kabila ng maraming diskriminasyon, noong una, tulad ng kawalang respeto at hindi pagsama sa kaniya sa mga pagpupulong ng mga opisyales ng probinsya, ay nanindigan at tinayuan ni Tatay Dani ang naturang posisyon, at ngayon nga siya ay nasa ika isang taon na ng pagsisilbi bilang Bokal ng Bataan para sa mga katutubo.

Binigyan din ng pagkilala si Tatay Joseph D. Atayan (1st Runner-up) ng probinsya ng Zambales, Tatay Rolmar I. Caranzo (2nd Runner-up) ng probinsya ng Bulacan, Tatay Julio B. Castillo ng probinsya ng Aurora, Jose C. Geron ng probinsya ng Pampanga, at Tatay Charles Romero ng probinsya ng Tarlac, bilang mga modelong ama ng kani-kanilang probinsya.

Sila, sa pangunguna ni Tatay Dani, ang buhay na patunay na ang pagiging Tatay ay hindi lamang nakakulong sa pagiging Machong Hari ng Tahanan, kundi ang tunay na pagiging Tatay ay ang pagkakaroon ng pantay na disposisyon sa loob at labas ng tahanan, na isang malaking aspeto sa pagpapaunlad ng mapagkalinga, matapat, at mapagmalasakit na lipunan. ### (Andyleen C. Feje)




Ang Tindahang Bigay Pag-asa ng Rizal, Nueva Ecija

“Nung wala po yung Pantawid, ang masasabi ko po sa sarili ko nun ay hindi ko kayang pag-aralin ang mga anak ko pero nung dumating ang Pantawid, naitaguyod ko naman po. . .mas gumanda naman po ang buhay namin” wika ni Domenia Ubaldo, 43.

“Malaki po ang naitulong sa akin ng 4Ps kasi mas natutukan ko ngayon ang mga anak ko. . .na-encourage ko silang mag-aral” bahagi naman ni Iris Joy Mauyao, 30.

Si Domenia at Iris Joy ay parehong naninirahan sa bayan ng Rizal at kapwa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps beneficiary at miyembro nang Sustainable Livelihood Program (SLP) Association na may pangalang “Tindahang Bigay Pag-asa”. Isa ngayo’y kilalang grocery store na s’ya na ring nagsisilbing supplier ng bigas sa mga benepisyaryo ng 4Ps ng naturang bayan, alinsunod sa bagong alituntunin ng programa, kung saan ang bawat benepisyaryo ng 4Ps ay makakatanggap ng Php600.00 kada buwan o may kabuuang PhP7,200.00 sa loob ng isang buong taon, bilang additional rice assistance.

Si Nanay Domenia ang secretary ng naturang asosasyon samantalang si Nanay Iris Joy naman ang treasurer. ayon sa kanila, noong nakaraang Marso, unang payout ng karagdagang grant sa rice subsidy (para sa Buwan ng Enero), ay kumita ang kanilang Php31,000.00, samantalang ng sumunod na payout naman, noong buwan ng Mayo (para sa Buwan ng Pebrero at Marso), sila nama’y kumita ng PhP67,900.00. Sa pakikipagtulungan na rin ng mga masisigasig na Municipal Links at Project Development Officer II ng naturang bayan, ay sila na rin ang nagsu-supply ng feeds para sa Hog Fattening Project ng SLP, kung saan sila naman ay kumikita ng Php35,000.00.

Malaking pagbabago ang dala ng “Tindahang Bigay Paga-asa” sa mga kasapi nito, tulad ni Nanay Domenia at Iris Joy. Si Nanay Domenia ay may tatlong anak, ang kanyang asawa ay isang magsasaka. Ayon na rin sa kanya, hindi sapat ang kinikita ng kanyang asawa sa pagsasaka kaya siya rin ay namasukan bilang labandera at kumikita ng 150 kada-araw. Sa kabila nang kahirapan ay patuloy na nagsikap at nagt’yaga si Domenia upang maitaguyod ang pag-aaral ng kanyang mga anak. Subalit, sa kabila nang pagpapagal, alam na ni Domenia na siya ay walang kakayahang magpaaral ng kaniyang anak sa kolehiyo dahil sa bigat ng gastusin nito. “Hindi ko sila kayang bilhan ng sapatos, di ko sila kayang bilhan ng bag, umaasa lang po ako sa bigay ng Ate ko, o kung sinong kamag-anak ang meron. . . sabi ko sa panganay ko hindi ko siya kayang pag-aralin ng college,” kwento niya. Ngunit, sa pagdating ng 4Ps at “Tindahang Bigay Pag-asa” ay unti-unting bumuti ang kanilang estado. Ngayon, ang panganay na anak ni Domenia ay kasalukuyang nasa ikatlong antas na sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Education.

Si Iris Joy naman ay may dalawang anak at tricycle driver naman ang kanyang asawa. Siya ay may maliit na tindahan na gaya rin ni Domenia, ay naghahanap buhay upang may pandagdag kita sa kanilang pamilya. Noon ay hindi gaanong natututukan ni Iris Joy ang kaniyang mga anak sa pag-aaral dala ng kaabalahan sa paghahanap-buhay. Ngunit sa tulong rin ng “Tindahang Bigay Pag-asa” ay unti-unting bumuti ang kaniyang relasyon sa kanyang mga anak at mas nadagdagan pa ang kita nito. Siya ay mas nagkaroon na ng panahon para sa kanyang dalawang anak na nag-aaral. Ang kanyang panganay na anak ay kasalukuyang nasa Grade 7, samantalang ang bunso naman ay nasa Grade 2.

Ang “Tindahang Bigay Pag-asa” ay isang grocery store association na may tatlumpung miyembro; isang association sa ilalim ng SLP, isa sa mga programa ng DSWD na naglalayong magbigay hanapbuhay sa mga mahihirap na pamilyang pilipino upang sila ay mas maalalayan pa na makaahon sa kanilang kinakasaldalakan.
Nagsimula ang asosasyon na may layuning bumuo ng negosyo at samahan. Nagkasundo-sundo ang bawat miyembro na grocery store ang pasuking negosyo dahil karamihan sa kanila ay may kaalaman sa pagpapatakbo ng isang tindahan. Ang bawat miyembro ng asosasyon na ito ay nababahaginan ng kita ng tindahan. Ang bawat kita naman na natatanggap ng miyembro ay nagsisilbing malaking tulong sa bawat pamilya upang magamit sa araw-araw na pangangailangan nang mga ito.

Sa pagsali sa asosasyon, ay lalong mas nagiging bukas ang bawat isa sa bagong kaalaman at karunungan. “Nung sumali po kami dito naturuan din po kami sa pagmamanage. Dati po kasi nung namamasukan ako, sa bahay lang. Ngayon po alam ko na magbudget, magmanage at pakikisama,” wika ni Domenia. “Natuto po kaming magbudget, makipag-usap at makisama sa iba’t ibang tao,” bahagi naman ni Nanay Iris Joy. Ang programa na ito ay hindi lamang naglalayong iangat ang estado sa pamumuhay ng mga miyembro ngunit pati na din ang pakikipagkapwa ng mga ito.

Sa kasalukuyan, itinatabi ng mga miyembro ng naturang SLPA ang kanilang kinikita sa pagbebenta ng bigas tuwing payout, na kanilang balak na ipambili ng van upang kanilang maging service sa pagdadala ng kanilang mga paninda mismo sa bahay ng kanilang mga customer. Ito ang isang istratehiyang naisip ng mga miyembro ng “Tindahang Bigay Pag-asa” upang maabot din ang mga kababayan nilang malalayo ang tirahan sa bayan. Kaya naman, masasabing ang kanilang grocery ay customer-oriented, kaya marami ang pinili pa rin ang bumili sa kanila, isa na rito si Nanay Dynalyn Tabangay, 42, isang Parent-Leader at ngayo’y Local Link na rin sa bayan ng Rizal.

“Bukod po sa mababait sila ay mura rin ang kanilang paninda, abot kaya, kaya naman mas pinipili ko pong bumili dito at hinikayat ko na rin po ang aking mga ibang ka-miyembro na sila na rin ang tangkilin, bilang tulong na rin namin,” bahagi ni Nanay Dynalyn. ### (Andyleen C. Feje)




Para sa pangmatagalang proyekto

Naging matagumpay ang Sustainability Evaluation Test na ginanap sa barangay Kabulihan, Gen. Mamerto Natividad Nueva Ecija kamakailan, para sa kanilang one (1) unit of Health Center na may rating na Very Satisfactory, mula sa Multi Stakeholder Inspectorate Team (MSIT).

Bago magbigay ng score ang MSIT ay nagkaroon muna ng orientation kung paano gamitin ang Sustainability Evaluation Tool.

Ipinaliwang naman ni Manilyn Cruz, Area Coordinator ng KALAHI-CIDSS Gen. Mamerto Natividad ang SET at kung bakit kailangan itong gawin sa mga sub-project. “Kailangang gawin ang SET upang ma-monitor natin kung naibibigay ba ang nakaplanong benepisyo ng sub-project sa mga tao, pati na rin yung structure mismo, yung physical at yung pinaghirapan ng community ay hindi masayang.” aniya.

Nagpasalamat naman si Brgy. Captain Benigno Vendicacion, ng Kabulihan sa KALAHI-CIDSS, aniya, “Napakalaki ang naitulong sa amin ng KALAHI lalo na ang Barangay Health Center, noon kasi walang opisina yung mga Barangay Health Worker. Nakikishare lang sila sa barangay.”

Dagdag pa niya, “”Exciting itong naging evaluation, kasi ngayon lang namin nalaman na taon-taon may evaluation, tinitignan ng mga taga KALAHI, kung functional ba, kung inaalagaan ang sub-project. Makakaasa kayong pag-iingatan talaga namin ‘yan dahil ito ay pag-aari na namin. At saka kami na nasa Sanggunian ay naka suporta dito, may budget rin kami para ma-maintain ito.”

Ayon naman kay G. Cirilo Mercado, ang Barangay Sub-Project Management Committee (BSPMC) Chairperson, “Malaki ang tulong ng Barangay Health Center lalo na sa mga Senior Citizen, kasi imbes na pumunta pa sila sa Munisipyo, dito nalang sila pumupunta.” ### (Jeffrey Pelariza)




Barangay Action Team, kaantabay ng mga benepisyaryo 4Ps ng Luis

Barangay Action Team, isang organisadong grupo na nakatutok at sumusubabay sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Nabuo ang Barangay Action Team (BAT) taong 2016, matapos magpresenta ng resulta ng 2015 Social Welfare and Development Indicators (SWDI) ang Municipal Action Team (MAT) ng San Luis, Aurora sa Municipal Advisory Committee (MAC) meeting kung saan naroroon ang bagong Punong Bayan, na si Kgg. Mariano C. Tangson. ”Bakit hindi natin ito ibaba sa barangay,” suhestiyon niya.

“Karamihan sa pangangailangan ng Pantawid beneficiaries ay nasa regular programs naman ng local government ng San Luis, kaya sa tulong ng mga datos, alam na namin kung sino ang dapat bigyang prayoridad,” bahagi ni Gng. Hiyasmin S. Mendoza, Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng San Luis, Aurora. Ayon sa kanya, ito ang kanilang nakita matapos magkaroon ng participatory analysis workshop sa 18 mga barangay ng San Luis, na naglalayong magkalap ng tamang datos mula sa tamang tao tungo sa mas tamang pagbibigay tugon. Ang resulta ng naturang re-validation ng SWDI gaps ay ipinresinta ng MAT ng bawat barangay ng San Luis. Ang BAT ay hango sa konsepto ng community organizing saan ang ginagamit ay interbensyong nakasentro sa tao; kasangkot ang lahat Barangay Local Goverment Unit (BLGU) at mismong ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (o 4Ps) sa San Luis, sa pagtukoy at proseso ng paresolba ng mga suliraning kanilang kinakaharap.

Nagsisilbing kabalikat ng 4Ps ang BAT lalong lalo na sa pagreresoba ng suliraning panlipunan (social adequacy) tulad ng mga suliraning pang-kalusugan at pang edukasyon. Ilan sa mga nabigyang tulong ay sina Nanay Vilma Asne, 39, isang solo-parent, at miyembro ng 4Ps na nabigyan ng sanitary toilet, mula sa Barangay Bacong. Ayon sa kanya, dati’y yero o plastic bowl, de buhos, na nakadikit sa lupa ang kanilang gamit-gamit, hindi mabuti sa kalusugan; at si Nanay Leamor Suson, 41, benepisyaryo ng 4Ps sa Barangay Tres, at isa mga napakabitan ng kuryente.

“May nag-aaral po akong anak, kaya napakalaking tulong ng libreng pagpapakabit ng ilaw sa aming tahanan, hindi n’ya na po kailangang umasa sa liwanag ng gasera o makidayo sa ibang bahay para lang makapagreview. Kung dati po nasa top five (5) lang s’ya, ngayon, s’ya na mismo ang top one (1) ng klase,” bahagi ni Nanay Leamor. “Ala-sais ng hapon hanggang alas otse, pagkatapos kumain, papatayin na namin ang gasera,” kwento niya. May kamahalan ang inaabot ng pagkakabit ng kuryente, humigit kumulang limang libong piso (Php5,000.00) lalo na kung tulad ni Nanay Leamor na may kalayuan ang bahay sa sentro.

Ang bawat Barangay Action Team (BAT) ay binubuo ng Punong Barangay bilang Pangulo; Municipal Link ng naturang area bilang Ikalawang Pangulo; lahat ng mga kagawad, Municipal Health Office (MHO) Midwife, Sanitary Inspector, Barangay Nutrition Scholar, Barangay Health Worker, Hepe ng Tanod, at representabi ng Parent Leaders, Indigenous People (IP), mga guro, at iba’t organisation tulad ng Senior Citizens at Farmers’ Association, na mayroon sa barangay, bilang mga miyembro.

Ayon kay Kgg. Tangson, ang SWDI gaps ay hamon para sa mga pinuno ng barangay at bayan, kung paano nga ba wastong matutugunan ang mga suliraning kinakaharap ng mga residente ng San Luis, lalong lalo na ang nasa mahirap na sektor, kabilang na ang miyembro ng 4Ps.

Nitong nakaraang ika-22 Nobyembre, 2016, ay naapruhan ang Resolusyon Bilang 89 (Resolution Adopting the Municipal Action Plan [MAP] developed by the Municipal Action Committee (MAC) of San Luis in relation to the implementation of Pantawid Pamilyang Pilipino Program [4Ps] by including the implementation of the plan in the Executive-Legislative Agenda (ELA) and/ Annual Investment Plan (AIP) of the municipality). Nagkaroon din ng resolusyon sa bawat barangay kaugnay sa pagbuo ng kumite at gawain ng BAT. At nasa agenda ngayong taon, 2017, ng MAC na bigyan ito ng Sangguniang Bayan (SB) Resolution ang BAT, nang sa gayo’y kahit matapos man ang termino ng punong bayan ay maiiwan pa rin ang kaniyang programang sinimulan, para sa tao. ### (Andyleen C. Feje)




Simulan ang Pagpapaunlad sa Bawat Tahanan

“Kung anu-ano ang binibigay nating opportunities sa mga 4Ps beneficiaries pero baka kaya hindi nagbubunga ay dahil mahina ang relasyon at pagtutulungan sa tahanan,” ganito ilarawan ni G. Christian Cebrecus, Project Development Officer (PDO) II ng Quezon, Nueva Ecija, kung pa’no nabuo ang konsepto ng proyektong Couple’s Day Off sa naturang bayan.

Ang Couple’s Day Off ay dalawang araw na programa na naglalayong magpalakas, magpatibay, at magpatatag ng samahan ng mga mag-asawang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, sa pagtutulungan ng SLP PDO, Municipal Action Team (MAT), at Local Government Unit (LGU) ng Quezon, Nueva Ecija. Ang SLP PDO at Municipal Links (MLs) ay abala sa pagbuo ng programa at mga aktibidad samantalang lahat ng suporta pagdating sa logistics at sagot naman ng LGU. Ang mga napiling mag-asawa ay dadaan sa ilang serye ng aktibidad na muling magbabalik ng init at tamis ng kanilang pagsasamahan, pagsulat at pagbasa ng love letter sa ilaw ng bonfire, panunuod ng pelikula, at renewal of vows o muling pagpapakasal.

Napakasayang karanasan ito para sa mga mag-asawang mahihirap na hindi naman naranasan makapag-date ng madalas, at ikinasal sa Huess lamang, tulad ni Nanay Ivonne Delos Santos, 48, at Tatay Felipe Delos Santos, 51. “Malaki pong kaluwagan sa dibdib na masali kami sa Couple’s Day Off, dahil madalas ko kaming mag-away dahil madalas wala ako sa bahay dahil ako po’y Parent-Leader at Community Volunteer ng Kalahi-CIDSS [Kapit-bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services],” kwento ni Nanay Ivonne. Tuwing uuwi si Tatay trabaho ay hindi niya naaabutan sa bahay si Nanay Ivonne dahil madalas meron silang pagpupulong sa 4Ps at Kalahi-CIDSS, at madalas ay walang pang naihandang hapunan si Nanay Ivonne dahil kung minsa’y maghapon ang aktibidades sa mga naturang programa. Madalas itong pagmulan ng kanilang away na mag-asawa. Ito ay binigyang solusyon ng Couples’ Day Off, anila, mas lumawak ang kanilang pang-unawa, sa pinagdadaanan ng bawat isa. Parte ng Couple’s Day Off ay counselling na pinangungunahan ng mga naimbitahan registered social workers at religious leaders.

“Ngayon po, ‘pag darating ako ng hapon at wala pa s’ya at wala pa ring sinaing ay ako na po ang nagluluto,” kwento ni Tatay Felipe.

Sa kasalukuyan mayroon ng kabuuang 61 na mag-asawang ang nakabahagi sa Couple’s Day Off, 37 sa kanila ay sa naunang batch na ginanap noong Pebrero 2016, at ang 24 ay nitong Marso taong 2017. Upang mas mapaigting pa ang samahan ng buong pamilya, ay plano ngayon SLP, MAT ng 4Ps, at LGU ng Quezon na magkaroon ng Youth Camp sa darating na Junyo, kung saan pagiigtingin ang samahan ng kabataan sa kanilang mga magulang, isang anak at nanay o tatay.

Ayon kay Gng. Avelina Dela Cruz, Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng Quezon, Nueva Ecija ay isa sa mga nais tutukan ng lokal na administrayon ngayon ay ang mas pagpapatag pa sa bawat pamilya ng mga tiga-Quezon, tungo sa pag-unlad. “Kung magkakawatak-watak ang pamilya, doon na papasok ang maraming problema. Kaya napakagandang proyekto nito, at mapakasaya rin. Maging kami ay nag-eenjoy habang pinapakinggan at pinapanuod namin sila.,” dagdag niya. Ayon din sa kanya, kung noong unang araw na dumating ang ibang mag-asawa parang ilang pa sa isa’t isa, madalas magkalayo, sa kanilang pag-alis at pag-uwi sila’y sweet na sweet na at magkahawak pa ng kamay. ### (Andyleen C. Feje)




Ilang Pahina sa Kwento ng Buhay ni Titser Edmar

“Masayang tawanan ang mga bagay na minsan mong kinatakutan,” gamit ang mga salita ng manunulat na si Eros Atalia, ganito ilarawan ni Edmar C. Tigulo, 22, isang dating Students Grant-in-Aid for Poverty Alleviation (SGP-PA) iskolar ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o (4Ps), ang kanyang kasaluyang pakiramdam.

Ang minsa’y isang mag-aaral ng Central Luzon State University (CLSU) na natakot na hindi makapagtapos ng pag-aaral ay s’ya ngayong isa sa mga abala sa panghihikayat sa mga mag-aaral ng Exequiel R. Lina High School na magsumikap na makapagtapos ng pag-aaral. “Sabi ko sa mga estudyante ko, mag-aral lang kayong mabuti, gawin n’yo ang part ninyo. Kapag nakita ng D’yos na ginawa mo ang best mo, ibi-bless ka n’ya–darating ang bagay na ‘di mo inaasahan,” bahagi ni Edmar.

Isa sa mga tinutukoy na ‘di inaasahang biyayang ito ni Titser Edmar ay ang pagdating ng SGP-PA, isang partnership-program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Higher Education (CHED), Department of Budget and Management (DBM), Department of Labor and Employment (DOLE), at Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUCs) na naglalayong magbigay ng suporta sa mga kolehiyong benepisyaryo ng 4Ps sa pamamagitan ng pagbibigay tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Php60,000.00 kada taon o Php30,000.00 kada semestre bilang pangtustos sa kanilang tuition at miscellaneous fee, pambili ng libro at iba pang learning materials, at stipend (kasama na ang lodging, clothing, transportation, health/medical needs, basic school supplies and other related costs).

Dating nakatira sa dormitory si Edmar, kung saan hindi maiwasang araw-araw siyang mawalan ng sabon at iba pang gamit, kaya nasasakripisyo madalas ang pambili niya ng pagkain. Madalas din ay nagtityaga na lang siyang mag-type ng kulang sampung pahinang reaction paper, mula sa kanilang bahay hanggang makarating siya ng paaralan, gamit ang kanyang hindi naman ganoon ka-hitech na cellphone upang mas makatipid pa ng gastos pambayad sa computer cafe, dahil wala naman siyang sariling laptop o computer. Sapat lang sa kanyang pagkain at pamasahe ang kayang ibigay ng kanyang mga magulang, kaya naman hirap si Edmar isingit ang mga iba pang gastos sa paaralan tulad nito.

Ang kanyang ama ay isang magsasaka na sumasaydlayn bilang security guard at janitor ng isang paaralan samantalang ang kanyang ina nama’y madalas sumasaydlayn lamang na magtinda ng kakanin. Kadalasan nga’y kinukulang ng ilang piso ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang tahanan, tuwing matatapos ang linggo. “Hiyang hiya po ako sa sarili ko, kulang ng piso yung pamasahe ko. Tinitignan ako ng driver. Masakit po sa akin ‘yun, naawa po ako sa sarili ko at naitanong sa aking ina, ‘nay ganito nalang ba tayo,” gunita ni Titser Edmar.
Ilan lamang ito sa marami pang karanasan ni Edmar sa kolehiyo na nagpapatunay lamang ng palasak man na kasabihang ‘hindi birong mag-aral at magpaaral ng kolehiyo.’ Isa itong malaking pagsubok sa katatagan ng mag-aaral at ng kanyang pamilyang, na dapat ay nakaantabay sa kanya. “Kapag po umuuwi ako noon sa amin, tuwing biyernes, sinabi po ng nanay ko ‘ayan na naman si hakot-hakot,’ bansag sa akin dahil kapag umuuwi ako ng biyernes at bumalik sa paaralan ng linggo’y kailangan may dala-dala ng allowance,” natatawang ikunuwento ni Titser Ed.

Kaya naman laking pasasalamat nila sa pagdating ng SGP-PA, na s’yang naging kaagapay nila sa pagpapatapos sa kanya ng kolehiyo. Kaya naman ngayon, si Titser Ed ay isang proud iskolar. “Nakaka-proud isipin, na ang isang magsasaka ay makakapagpatapos ng Titser, English major pa,” dagdag pa niya. Si Titser Edmar ay panganay sa kanilang apat (4) na magkakapatid at siya rin ang unang nakatapos ng kolehiyo sa kanilang pamilya, sa poder ng kaniyang ama, kaya naman s’ya ngayo’y nagsisilbing inspirasyon, hindi lang sa kaniyang pamilya, maging sa iba pang mag-aaral sa kanilang bayan.

“Mula grade one hanggang high school ay laging isa si Edmar sa mga nangunguna sa klase, makakakitaan mo ng sariling sikap. At ngayon, kahit siya ay guro na rin ay hindi pa rin siya nagbabago, hindi nakakalimot. Napakamagalang ng batang iyan. Kaya maswerte ang aming paaralan,” bahagi ni Gng. Bernarda Agustin, 51, dating naging guro ni Edmar ng siya ay nasa elementarya pa lamang at ngayo’y kaniya nang co-teacher.

Sa kasalukuyan, si Titser Edmar naman ang may iskolar, siya mismo, na ngayo’y nag-aaral ng Master’s in Education, at ang sumunod sa kanyang kapatid na noo’y kailangan pang maghinto ng dalawang taon sa pag-aaral, ngayo’y kumukuha na ng Bachelor of Science in Criminology.

“Sa buhay ng tao, darating yung pagkakataon na madadapa ka, mawawalan ka nang pag-asa pero hindi mo makikita yung ganda ng isang bagay, ng isang lugar. Kailangan nating magpatuloy sa buhay dahil kung hihinto ka ay hindi mo makikita na mas maganda pa pala ang mga susunod na pahina. I’m challenging them na tapusin ang kanilang pag-aaral, at magsilbi ring inspirasyon sa iba ang kanilang mga istorya,” ito ang nais iwanang mga kataga ni Titser Edmar sa mga kasalukuyan at papausbong pang iskolar ng bayan.




Sa Pagtawid ng mga Iskolar ng Purok, Iskolar ng Bayan, sa Kaunlaran

“Ang mga bata ay may mga pangangailangan na mismong ang mga magulang ay nahihirapan na tugunan. Kaya ninais naming magkaroon ng isang programa upang matulungan sila sa kanilang gastusin sa paaralan,” bahagi ni Dr. Annie Michelle Laurzano, Punong Guro ng Iba High School na s’yang nagpasimula ng proyektong Kapurok ko, Iskolar ko.

Ang Kapurok ko, Iskolar ko ay naglalayong magbigay ng supporta sa mga mahuhusay at masisipag ngunit kapos sa pinansyal na supportang mga mag-aaral ng Iba High School, sa pamamagitan ng pag sagot sa kanilang taunang binabayarang voluntary contribution tulad ng boy scout, red cross fee, at Parents-Teachers Association (PTA) fee na minsa’y umaabot ng Php595.00, at pagbibigay ng Php100 stipend o panggastos sa kanilang iba pang pangagailangan sa paaralan.

Ang pondo para scholarship program na ito ay nanggagaling sa mga opisyal ng Barangay Iba. Sa pagsisimula ng programa, taong 2014, ay mayroon tig-iisang iskolars ang pitong (7) kagawad samantalang dalawa (2) naman kay Kapitan, na nangagaling mismo sa kanilang sariling bulsa. Nang sumunod na taon, 2016, ay nadoble ang iskolar ng bawat isang kagawad, at tatlo (3) naman kay Kapitan.

Ang mga iskolar ay pinipili sa pamamagitan ng delibirasyon sa pagitan ng Punong guro at advisers ng bawat klase, sa gabay na rin ng Memorandum of Agreement na pirmado ng Department of Education (DepEd) Regional Office. Ang mga napiling iskolar ay dapat mayroong average grade na hindi bababa sa 80% at ang bilang ng pagliban sa eskwelahan ay hindi bababa sa 15% ng kabuuang bilang nga school days sa buong taon.

Dahil na rin sa kagandahan ng programa, ito ay nanganak pa ng ilang mga programa tulad ng Support Project Diploma na naglalayon namang bigyang prayoridad ang mga estudyante nasa huling baytang na ng sekondarya at Kabayan Ko, Iskolar Ko na nagbibigay din tsansa sa mga estudyanteng hindi nakatira naman sa mga karatig na barangay ng Iba.

“Napakalaking tulong po nitong scholarship program sapagakat kadalasan po ng mga estudyante kadalasan tinatamad na pong pumasok kasi wala silang pamasahe at malayo ang kanilang bahay. Tulad po ako noon minsan hindi ako nakakapasok ng dalawang araw sa isang linggo,” kwento ni Midori Alfonso, benepisyaryo ng 4Ps at Kabayan Ko, Iskolar Ko, mula sa Barangay Sula.

Bilang karagdagang tugon sa kaso ng mga drop outs sa paaralan ay nagdagdag pa ng scholarship program ang paaralan na naglalayong magbigay ng libreng sakay sa jeep man o tricycle ng iba pang mapipiling estudyanteng ang bahay ay dalawa (2) hanggang tatlong (3) kilometro ang layo ng bahay sa paaralan, sa tulong na rin ng asosasyo ng jeepney at tricycle. Ang bawat iskolars ng Free Ride (Basta Iskolar Libre) ay may identification card o ID na kanilang ipapakita sa jeepney o tricycle drivers.

“Sa kasalukuyan, ang Iba TODA [Tricycle Driver Operators Association] ay mayroong 26 active drivers na nagsasakay ng isang iskolar sa bawat isang byahe, araw-araw,” bahagi ni Kgg. Kilson Capitolo, na s’ya ring president ng Iba TODA.

Ang bayan ng San Jose ay ang pinakamalaking munisipyo sa buong probinsya ng Tarlac, ito ay may napaka-liblib, ayon kay G. Elmer Q. Halili, ang Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng San Jose, Tarlac. “Kaya naman po napakalaking tulong po ng scholarship programs tulad ng libreng sakay sa jeep at motor para sa atin mga estudyante dito sa bayan ng San Jose dahil maraming barangay ang may kalayuan sa paaralan, mayroon ngang isang barangay na kailangang tumawid ng 27 ilog para lang marating ang mga bata sa paaralan,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 31 iskolar ang Kapurok Ko, Iskolar ko, walo (8) rito ay benepisyaryo ng 4Ps, ayon na rin sa rekomendasyon ng Municipal Inter-Agency Committee (MIAC) ng San Jose, at mayroon namang 22 iskolar ng Free Ride. At, sa tulong na rin ng Continuous Improvement Team (CIT) na binubuo ng buong kaguruan ng Iba High School ay nakabuo rin ng ibang programa na tulad ng Malunggay Pulburon, isang Income Generating Project (IGP) na naglalayong matulong ang iba pang mag-aaral na magkaroon ng extra income sa pamamagitan ng paggawa ng masustansyang uri ng delicacy, at Eco Garden, na naglalayong magbigay ng pagkakataon para sa lahat ng estudyante upang magkaroon ng lugar na mapagtataniman at pagpapalakihan ng mga gulay na maaari nilang itinda o magsilbing ulam sa tahanan.

“Sabi ko nga sa mga kagawad at mga guro, sa isang batang mapapagraduate natin, buong pamilya, ang nagpapasalamat,” pagtatapos ni Dr. Laurzano. ### (Andyleen C. Feje)




More indigent patients avail of free medicine assistance

Ms. Ester De Guzman of the Crisis Intervention (CIU) assesses the supporting documents of an applicant of Lingap Para sa Masa Program.

Some 2,584 patients from Central Luzon have availed of free medicine assistance from the Department of Social Welfare and Development Field Office III (DSWD).

As of June 9, 2017, a total of P26,383,329.10 has been released for the medicine requirements of these patients under the  the Libreng Gamot Para Sa Masa (Lingap Sa Masa) program, said Ms. Rosario Cebricus, head of the Crisis Intervention Unit.

Lingap is a project of President Rodrigo Duterte that provides P1-billion funds for the medicine assistance to indigent patients who need help to buy their medication.  The program started in March this year.

In Central Luzon, DSWD Field Office III implements the program in partnership with the Jose B. Lingad Memorial General Hospital in the City of San Fernando, Pampanga.

Those who may avail of the program are the following: families or individuals who are indigent, vulnerable or disadvantaged; those in the informal sector and poor based on DSWD Listahanan; those who are in crisis situation based on assessment of social workers; employees and contract of service workers of government in crisis situation; and dependents of soldiers and police officers killed or wounded in line of duty.

Under the program guidelines, indigents who are either confined in or receiving out-patient treatment from identified and need prescription medicines are qualified to become beneficiaries of Lingap.

Per guidelines, those who want to avail of free medicines should provide a valid ID, proof of indigency such as Barangay Certificate or Certification issued by the medical social service, and the doctor’s prescription, which should have been issued in the past three (3) months. This should indicate the date, the name of the patient, and signature of the attending physician, with his/her license number and contact details.

In case of a patient’s representative, the representative should present a valid ID and a written authorization signed by the patient.

Certified true copies must be certified by either the DSWD social worker assigned to the hospital; the office that issued the document; or the officer who signed the document. ### (Evelyn T. Manalo)