Idinaos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KALAHI-CIDSS KKB) ang Program Launching at Municipal Orientation sa Munisipalidad ng Cabiao, Nueva Ecija

Ang Program Launching and Municipal Orientation ay ginaganap para sa mas lalong pagpapaliwanag at pagbibigay n dagdag na kaalamang sa proseso ng programa. Kasama nadin dito ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing, at pagbibigay ng suporta sa stratehiya ng KALAHI-CIDSS na CDD.

Sa ngalan ni DSWD Regional Director Venus F. Rebuldela dinaluhan ito ng OIC – Division Chief Susan S. Hernandez, katuwang ang mga opisyal ng Munisipalidad ng Dingalan na pinangunahan ni Municipal Mayor Ramil B. Rivera, at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

 

Kasunod ng programa ay magkakaroon ng barangay meeting para masimulan ang paghalal/pagpili ng mga community volunteers na tuturuan at ie-empower upang makatulong sa pagpapatupad ng programa.

 

Ang KALAHI-CIDSS KKB ay gumagamit ng stratehiya na Community Driven Development (CDD) na naglalayon na bigyang pagkakataon ang mga komunidad na magdesisyon, magplano, at magbigay priyoridad ng mga problema sa barangay na patunay sa pagkakaroon ng pagbabago at kaunlaran sa kanilang mga komunidad.

 

####

image_pdfimage_print