Press Release: DSWD Field Office III Prepares for the Super Typhoon Ompong

Super Typhoon Mangkhut’s is expected to hit the area of Cagayan-Batanes on September 15, on Saturday. It will be locally named as Ompong upon entering the Philippine area of responsibility.

According to the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), the said typhoon might bring rains over Southern Luzon, the Visayas and Mindanao, and heavy rains and strong winds in Northern and parts of Central Luzon beginning tomorrow, September 13, 2018, Thursday.

Department of Social Welfare and Development (DSWD) being the lead agency on social welfare and protection, through the Disaster Response Assistance Management Bureau (DReAMB) is operationally preparing the necessary interventions.

The agency is continually monitoring the weather conditions and maintaining its coordination with its regional counterparts.

For Central Luzon, DSWD Field Office (FO) III had already prepositioned a total of 8,000 Family Food Packs (FFP) in its different Local Government Units (LGUs), mostly in the province of Aurora.

In line with the Republic Act 7160, (or the Local Government Code of 1991), the LGUs have the prerogative to secure and generate their resources to perform their functions, alongside with the augmentation of the National Government Agencies (NGAs). Hence, the LGUs are expected to be the frontliners during Disaster Response.

In addition, DSWD FO IV-A (CALABARZON) will also augment a total of 5,000 FFP since some of the resources of the DSWD FO III were exhausted due to the previous typhoons that hit Central Luzon.

Up-to-date, the LGU of Concepcion, Tarlac requested for a total of 1,000 FFP for their municipality, as part of their disaster-response grounding.

 




Palit-gampan ng LGU at residente, idinaos ng DSWD

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Community-Driven Development ngayong Hunyo, inilunsad ng DSWD Kalahi-CIDSS at Pamahalaang Barangay ng Picaleon, Gen. Mamerto Natividad, Nueva Ecija ang “Pamumunong Makamasa: Pagkilos na Sama-sama” noong Hunyo 20, 2018.

Ang Pamumunong Makamasa ay ang LGU – community volunteers exchange activity na  isinasagawa sa 14 na rehiyong saklaw ng DSWD Kalahi-CIDSS. Ang DSWD Region 3 ang kauna-unahang nagsagawa nito sa buong bansa.

Layunin ng Pamumunong Makamasa na ipakita ang buhay at mahigpit na ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga mamamayan para sa mga proyektong pangkaunlaran sa barangay. Sa loob ng isang araw, nagsilbing community volunteer si Kagawad Edwardo Fajardo sa pamamagitan ng aktibong paglahok sa Operations and Maintenance Committee o pangkat ng community volunteers na namamahala at nangangalaga sa 60 poste ng solar-powered streetlight sa Purok Petchay at Purok Kamatis na bunga ng sama-samang pagkilos nang may malasakit ng mga taga-Picaleon.

“Maraming salamat po at malapit na naming makamtam ang liwanag na dala ng Kalahi CIDSS [ng Solar Powered Street Lights ng Kalahi CIDSS], at lokal na pamahalaan na talagang makakatulong ng malaki sa amin,” bahagi ni Kagawad Edwardo Fajardo.

Si Kagawad Fajardo ay nagsilbing miyembro ng Operations and Maintenance Committee na nagsagawa ng on-site inspection ng solar-powered streetlights upang tiyakin na maayos at gumagana ang mga ito. Kabilang ito sa regular na gawain ng nasabing komite.

“Mas na-appreciate ko po ang trabahong ginagampanan ng aming mga opisyal sa barangay, na pare-pareho rin pala kaming nagtatrabaho at gumagalaw para sa ikauunlad ng komunidad,” Analyn Salas, CV na naging kagawad para sa araw na ito.

Dahil sa ipinamalas na pagkakaisa’t kahusayan ng mga taga-Picaleon, itatampok ang mga kinatawan ng community volunteers sa DSWD Usapang Malasakit, ang lingguhang palabas ng DSWD.

Ang DSWD Kalahi-CIDSS ay ang programa ng DSWD na nagtataguyod ng community-driven development upang labanan ang kahirapan. Dito, mga mamamayan mismo ang tumutukoy ng suliranin at solusyon para sa mga proyektong pangkaunlaran sa pamayanan, at aktibong lumalahok sa pamayanan upang mapahusay pa lalo ang lokal na pamamahala.

Ipalalabas ang DSWD Usapang Malasakit sa Hunyo 29, 2018 sa Facebook.com/dswfo3.

 

#DSWDMayMalasakit
#DSWDParaSaNakararami
#SamaSamangPagkilosNangMayMalasakit
#CDDMonth




Sama-Badjau Leader sa Gitnang Luzon kinunsulta

“Pwedeng manghingi ng tulong, pero sa tamang paraan at sa tamang lugar,” ito ang binigyang diin ni DSWD Field Office III Director Gemma B. Gabuya sa kakatapos lamang na Consultation Meeting with Badjau Leaders ng Gitnang Luzon, na ginanap sa Angeles City.

Ayon kay Director Gabuya ay karapatan ng bawat Pilipino na manghingi ng tulong sa gobyerno. Gayunpaman, aniya, ang tulong na ito ay may kaakibat na obligasyon.

Ang naturang pagpupulong ay parte pa rin ng adbokasiya ng DSWD Field Office III Task Force Kalinga: SAGIP Katutubo na naglalayong labanan ang kaso ng pamamalimos sa Gitnang Luzon. Naniniwala ang Task Force na ang pagbibigay limos ay hindi paraan ng pagtulong bagkus ito ay nakadaragdag pa ng kaso ng kriminalidad at aksidente, lalong lalo na sa mga bata.

“Kung walang koordinasyon at kooperasyon na manggagaling sa inyo ay hindi rin namin kayo lubos na matutulungan,” ani Ms. Ester Dating, Focal Person for Indigenous People mula sa City Social Welfare and Development Office ng Angeles City. Ayon kay Ms. Heide A. Patio, Specialist on Social Welfare and Development, ay malaki ang potensyal ng mga Badjau bilang aktibong katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong ng mga kampanya at adbokasiya nito na may kinalaman sa pagpapaunlad ng sarili at ng bayan.

Isang patunay na rito ay si Minda Simon, 43, na isa sa 121 na pamilyang nabigyan ng pabahay o core shelter assistance mula sa DSWD Field Office III sa ilalim ng programang Sama-Bajau Localized Interventions and Learning Approach for Holistic Improvement (SALINLAHI). Sa kasalukuyan, siya kasama ng kanyang asawa ay mayroon ng dalawang motor, ang isa rito ay ginagamit nilang pamasada, samantalang ang isa nama’y ginagamit nila sa kanilang rolling store ng mga isda kung saan sila kumikita ng isang libong piso (P1,000.00) kada linggo. “Kailangan lang magsimula sa bawat indibidwal ang pagbabago at sususugan na lamang ito ng suporta at iba pang mabubuting gawa,” bahagi ni Nanay Minda. Aminado siya na kabilang ang pamilya niya sa mga dating namamalimos sa lansangan. Nararanasan pa nilang matulog sa kalsada, aniya, kaya naman nagkasakit noon ang kaniyang isang anak.

“Yung mga kilala naming kapatid na namamalimos ay i-home visit namin na may kasamang counselling,” ito ang isa sa mga naging commitment o pangakong tulong ng Badjau Leaders sa Task Force Kalinga.




Bringing government services closer to the people

The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office III continues to provide services to the rural areas through its Information and Education Caravan.

Just recently, the DSWD Field Office together with nine (9) partners from the national government agencies (NGAs), reached out the people of Floridablanca, Pampanga through giving of information on the social welfare programs and services of the government.

Participating NGAs included the Departments of Agriculture (DA), the Interior and Local Government (DILG), Labor and Employment (DOLE), Environment and Natural Resources (DENR), Science and Technology (DOST), Philippine Information Agency (PIA), Commission on Population (POPCOM), National Nutrition Council (NNC), and Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). They presented their respective programs and services to some 120 target audience through information, education and communication (IEC) materials like flyers, comics, newsletters, stickers, brochures and short video presentation. The DA also distributed various vegetables seeds to the participants.

Program-beneficiaries of the DSWD Sustainable Livelihood Program (SLP) also participated with their various products for sale.

In her message, Assistant Regional Director for Operations Venus F. Rebuldela said that the government is bringing services closer to the people and in return, the people should do their part to help themselves and not solely rely on the government for their future. “Isipin din po natin kung ano ang magagawa natin para sa gobyerno (Let’s also think what we can do for the government), she added.

Meanwhile, Vice Mayor Michael Galang said, “Ito ang magandang layunin ng convergence, ang mga sangay ng pamahalaan, local at national ay nagtutulong-tulong para sa pag-unlad ng mga komunidad (This is the good intention of convergence, all the branches of the government, local or national, join efforts for the empowerment of communities).” He also stressed that “Ang kaalaman ay kapangyarihan (knowledge is power).”

The caravan aims to let the people know that the government truly cares for the disadvantaged, marginalized and the vulnerable sectors. This is also in line with the Duterte administration’s thrust of providing prompt government services to the citizenry. ### (Evelyn T. Manalo)




More seniors in Central Luzon receive centenarian cash gift

Two hundred ninety five centenarians in Central Luzon have already availed of P100,000 centenarian cash gift from the national government through the Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ms. Susan Hernandez of the Social Pension Unit said that as of 8 November, 295 centenarians or 86% of the 342 target for 2016 have already received their Centenarian Cash Incentive. The Province of Bulacan has the highest number with 90 beneficiaries, P9 million; Nueva Ecija with 69 beneficiaries, P6.9 million; Pampanga with 49 beneficiaries, P4.9 million; Tarlac with 45 beneficiaries, P4.5 million; Zambales and Bataan with 17 beneficiaries each, P1.7 million pesos, respectively; and Aurora with eight (8) beneficiaries, P800,000.

In addition, there are 107 senior citizens who have to comply with the requirements per guidelines of the program, Ms. Hernandez added.

The DSWD Field Office III, in coordination with the concerned local government units (LGUs), led the payout and even used the door to door scheme as mode of payment to some centenarians who could no longer travel, bedridden or in the hospital.

Section 2 of Republic Act 10868 or the “Centenarians Act of 2016” stated, all Filipinos who reach the age of one hundred years old, whether residing in the Philippines or abroad, shall be honored with a Letter of Felicitation from the President of the Philippines congratulating the celebrant for his or her longevity; and a centenarian gift in the amount of ₱100,000.

Moreover, the centenarians will receive a plaque of recognition and cash incentive from their respective city or municipal governments in appropriate ceremonies. The amount of the additional incentive shall be determined by the LGU concerned.

Under the law, the awards and incentives are given to the centenarians on the first Sunday of October, declared as the National Respect for Centenarians Day (NRCD) in line with the Elderly Filipino Week celebration.

However, considering the age of the centenarians, the DSWD will release the cash gift to the identified beneficiaries earlier.

Centenarians who died upon the effectivity of the law will be given a posthumous plaque of recognition together with the cash incentive to be received by their nearest surviving relative or family.

To avail of the cash incentive, a centenarian must present his or her birth certificate or Philippine passport for those living overseas. If said documents are not available, the centenarian may present his or her senior citizen’s identification (ID) card or any other Philippine government-issued ID showing his or her citizenship and date of birth. ### (Evelyn T. Manalo)




Dianne Kate, 2017 Pantawid Exemplary Child ng Central Luzon

“Mahalaga po ang kultura; ‘yun po ang ating pinagmulan, pinanggalingan ng kultura. Ngayon pong nagiging moderno na ang panahon, naisasantabi na ang kultura,” ito ang paniniwala ni Dianna Kate Chumatay, 12 taong gulang, 2017 Pantawid Exemplary Child ng Gitnang Luzon. Si Dianna Kate ay isang Kankanaey na nakatira sa Sitio Acoje, bayan ng Sta. Cruz, Zambales. Isang Sitio na dalawang (2) oras ang layo mula sa kabihasnan, makitid ang daan, gilid ay bangin, at isang beses lamang umaakyat ang pampublikong sasakyan sa isang araw. Alas dose ng tanghali ang nag-iisang byahe paakyat sa Sitio Acoje habang alas dose naman ng madaling araw ang oras ng pagbaba ng sasakyan.

Kasama niyang naninirahan dito sina Tatay Cilby at Nanay Karen Chumatay, kapatid na si Cevrin, at ilan pa nilang mga katribo.

Si Nanay Karen ay dating naninilbihan sa minahan bilang isang kusinera. Taong 2004 nang nakilala n’ya ang isang pulis na bumihag sa kanyang puso. Gayunpaman, ang apat na taon nilang relasyon ay nauwi rin sa hiwalayan nang nadestino kanyang kabiyak na pulis sa ibang lugar at doo’y piniling bumuo ng bagong pamilya, apat (4) na taon pa lamang noon si Dianna Kate.

Lumipas ang mga taon, si Nanay Kareen naman ay binuksan muli ang kanyang puso at pinapasok si Tatay Cilby, na ayon kanya’y ang kanya talagang “first love”. Nagkita silang muli sa pinagtatrabahuan nilang minahan at muling umusbong ang kanilang pag-iibigan at nagpakasal.

Maayos dati ang kanilang pamumuhay, dahil nang nalipat ang mag-asawa sa panibagong tayong minahan ay mas tumaas din ang kanilang kita. Ang dating 280 sa isang araw ni Tatay Cilby ay naging 32,000 kada buwan, ngunit taong 2014 nang nagsara ang minahan at naapektuhan ang kanilang pamumuhay. Ito naman ay sinundan ng pagdating ng Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) Program sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naglalayon na bigyan ng tulong ang mga pamilya na nasa malalayong lugar, walang hanapbuhay at permanenteng pinagkakatian.

Hikahos man sila ng mga panahong iyon, tila narinig ng Diyos ang kanilang dalangin ng nakatanggap sila ng halos isan-daang libong piso kaakibat ng pagsasara ng pinatrabahuan nilang minahan. Ginamit nila ang perang natanggap sa pag-papaayos ng kanilang bahay. Ang dating munti at barung-barong ay naipaayos nila at naging konkreto na, hindi man literal sapagkat ito ay gawa sa purong kahoy at yero, tulad ng mga bahay sa rehiyon ng Cordillera.

Bagamat nakatulong sa kanila ang minahan, taong 2015, ng naghain ang mga residente ng Sitio Acoje ng reklamo laban sa pagmimina at lumagda sa petisyon upang ipatigil ang pagmimina sa kanilang lugar lalong lalo na sa daluyan at pinagkukuhanan nila ng tubig. Dahil sa protestang ito, wala na ni isa sa lugar nila ang tinanggap sa kumpanya ng mga minahan.

Gayunpaman, nagkaroon din si Tatay Cilby ng pinagkakakitain ng maipasara ang mga minahan at noong ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez, ang pagpapatubo ng mga halaman. Ang kanilang itinanim na halaman ay may kaakibat ng halaga, dadalhin nila ito sa nakakalbong parte ng bundok at babayaran sila kapag ito ay kanilang napatubo. Ngunit ang proyektong ito ay natapos rin ng matanggal sa pwesto si Sec. Gina Lopez.

Sa kasalukuyan, si Tatay Cilby ay binubuhay ang kanilang pamilya sa pangangaso at pangunguryente sa ilog; kukimita siya ng 600 kada linggo.

Nakikita ni Dianna ang pagsusumikap ng kanyang mga magulang, kaya naman tinutumbasan niya ito ng pag-aaral ng mabuti. Sa katunayan, mula ikaunang baytang ay nangunguna na siya sa klase hanggang sa makatungtong na sya ng ika-pitong baytang, sa kasalukuyan. Malayo sa kanila ang kabihasanan ganun na rin ang eskwelhan ay hindi ito nagiging hadlang. Labinlimang minuto ang kanyang nilalakad mula sa kanilang tahanan patungo sa eskwelahan, ganoon din pabalik. Umaraw man o umulan, malubak man o maputik ang daan; nakabota, nakasapatos, o nakapaa man, hindi alintana ni Diana. Patuloy s’yang nagsisikap.

“Yung pag-aaral po mahalaga po s’ya, hindi lang po para sa akin, sa pamilya, kundi pati na rin sa komunidad. Kaya po, kahit mahirap po lakad mula bahay hanggang school, tinat’yaga ko po,” bahagi ni Dianna Kate.

Hindi katulad sa siyudad, walang masasagap na signal sa kanilang lugar, liban na lamang sa mga natagpuan nilang maliit na bahagi ng pook na tinabingan nila ng trapal na kung tawagin nila’y “Signalan.” Malayo man sa buhay estudyante ng isang karaniwang bata, batid ni Dianna na iba ang yaman na taglay ng kanilang lugar at hindi ito matutumbasan ng kasaganahan ng kahit na ano pa mang nasa siyudad. Ayon sa kanya, patuloy siyang magsusumikap sa pag-aaral at papahalagahan ang bawat diplomang kanyang matatanggap na saksi sa lahat ng kanyang paghihirap. Patuloy din syang magpapasalamat sa gobyerno na nagpaabot sa kanilang ng tulong, malayo man ang kanilang tirahan.

Isa siyang mabuting halimbawa sa kanilang lugar at hinahangaan ang kanyang angking talino at galing sa eskuwela. Si Dianna Kate B. Chumatay isang Kankanaey ang natatanging bata mula sa mataas na lugar ng Sitio Acoje, probinsiya ng Zambales, patuloy na hahakbang tungo sa magandang kinabukasan.




Akma, tama, at lapat na serbisyo, layon ng Task Force SAGIP-Katutubo



“Kailangan kilalanin kung sino sila, kung sino ang ating IP mendicants; alamin kung nasaan sila nang hindi nasasayang ang ating programs and services,” ito ang isa sa mga binigyang diin ni DSWD Field Office III Regional Director Gemma B. Gabuya, sa kakatapos lamang na ika limang (5) Assembly ng Task Force Kalinga: Sagip Katutubo, ngayong ika-10 ng Nobyembre 2017, na ginanap sa Bamban, Tarlac.

Ang bayan ng Tarlac ang nagsisilbing Model Local Government Unit (LGU) ng iba pang mga LGU na may mga residenteng Indigenous People (IP) sapagkat ang baya’y walang kaso (recorded) ng mendicancy magmula pa ng taong 1998 sa mga katutubong naninirahan dito. Ang hindi birong gawang ito ay napagtagumpay ng bayan sa tulong na rin ng mga proyektong bigay ng Local Government Unit (LGU) at partner National Government Organizations (NGOs) tulad ng University of Sto. Tomas (UST) (bisitahin https://www.facebook.com/dswdfo3/posts/795729323885092 at alamin kung bakit may zero mendicants sa Bamban, Tarlac).

“Kapag tulong-tulong ang mga mga ng gobyerno at iba pang pribadong sektor ay mas mabilis na naaabot ang mga layunin ng kanilang samahan,” bahagi ni Gng. Lucia Guya, Day Care Center Worker ng Sitio Mabilog, Bamban, Tarlac.

Ang Task Force Kalinga: Sagip Katutubo ay isang inter-agency committee na naglalayong makabuo ng koordinasyon, makakolekta ng mga plano, at magsilbing taga-pag-implementa ng mga tama at nararapat na interbensyon para sa mga biktima ng issue ng mendicancy o pamamalimos at panlilimos. Ang pangkalahatang layunin nito ay tuluyan ng mabura ang mga kaso ng mendicancy sa Gitnang Luzon.

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Jermie Samaoang, isang katutubo at IP Mandatory Representative (IPMR) Office Personnel ng bayan ng Capas, Tarlac, na isa rin sa may mga kaso ng mendicancy sa Gitnang Luzon. “Maganda po ang layon ng Task Force SAGIP-Katutubo na imulat ang IPs sa panganib na hatid ng kultura ng pamamalimos, at sinasabayan pa nila ito ng mga estratihiya upang mas mapaunlad pa naming katutubo ang aming sarili,” bahagi niya.

Isa sa mga tinutukan ngayon ng Task Force ay ang pagtatala o profiling ng lahat ng katutubo sa Gitnang Luzon, at ito ay naumpisahan na sa ilang bayan tulad ng Porac, Pampanga. Inaasahan nilang matatapos ang profiling bago pa man matapos ang taong 2017, ito ay bilang preparasyon sa pagpapadaloy ng mga tamang interbensyong tunay na kailangan ng mga katutubo upang tuluyan na silang mailayo sa kultura ng pamamalimos. Layon ng Task Force SAGIP-Katutubo na makapagbigay ng akma, tama, at lapat na serbisyo. ### (Andyleen C. Feje)




World Bank holds Implementation Support Mission in Gen. Natividad, Nueva Ecija

Gen. Mamerto Natividad, Nueva Ecija – Representatives from the World Bank Group and Kalahi CIDDSS – NCDDP National Program Management Office (NPMO) recently conducted an Implementation Support Mission in Gen. Mamerto Natividad, Nueva Ecija.

According to Ms. Maria Loreto N. Padua, Social Development Specialist of the World Bank Group, “We call this a joint implementation support mission, we don’t just check or try to see what’s happening on the field, whether the sub-projects are implemented but more importantly we want to pick up insights from the community volunteers and local government units.”

Ms. Padua also mentioned that this is the first mission of World Bank in Region III.
The two groups visited two (2) barangays of Gen. Mamerto Natividad, and four (4) completed sub-projects.

The Kalahi CIDSS-NCDDP volunteers expressed their experiences and lessons learned as community volunteers of Kalahi CIDSS-NCDDP in the implementation of the program.

“Wala po kaming problema sa tagal ng proseso ng Kalahi, ang hiling lang namin ay sana tumagal ang programa dito sa sa aming bayan,” said Carmen Dela Cruz, 44, Bids and Awards Committee Chairperson of Brgy. Manarog, Gen. Mamerto Natividad, Nueva Ecija.

Kalahi CIDSS-NCDDP in Region III started in 2014. Gen. Mamerto Natividad is one of the three (3) municipalities covered by the program. During the 1st cycle there were 14 completed sub-projects and five (5) completed sub-projects on the 2nd cycle. At present they are in the implementation of the social preparation stage for the 3rd cycle.

The Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan Compehensive and Integrated Delivery of Social Services-National Community-Driven Development Program is using a community-driven development approach which gives power to the community to analyze the problem in their community and the solution on it.

In thanking the World Bank and NPMO, Irene Crespo, Assistant Regional Director for Administration and Regional Program Manager of Kalahi CIDSS-NCDDP said, “We would like to extend our deepest gratitude and we are hoping that with your assistance, we can be more effective and more efficient in the implementation of the program in our Region, and our LGU partners will be more confident and inspired in adapting the CDD approach.” ### (Jeffrey D. Pelariza)