Guagua, Pampanga (As of May 7, 7 PM) – Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), sa makalawa, ika-10 ng Mayo ang huling araw ng pamamahagi ng pinansyal na ayuda sa ilalim ng Emergency Subsidy Program. Pinapaalalahanan ng DILG ang bawat lokal na pamahalaan na sumunod sa itinakdang petsa. 

Nagsimula ang pamamahagi ng ayuda noong ika-9 ng Abril sa probinsya ng Bulacan. Tinatayang nasa 88% ng kabuuang bilang ng mga target na mahihirap na pamilya ang nakatanggap ng ₱6,500 sa buong Central Luzon. 

Nasa 1,345,079 na mahihirap na pamilya na mula sa mga probinsya ng Aurora (40,287 o 98%), Bataan (76,229 o 78%), Bulacan (370,494 o 93%), Nueva Ecija  (352,255 o 89%), Pampanga (237,409 o 81%), Tarlac (187,851 o 91%), at Zambales (80,554 o 89%) ang nakatanggap ng ayuda.

###

image_pdfimage_print