Bulacan – Ang Bulacan ang kauna-unahang probinsya sa Gitnang Luzon (Region III) na nag-roll-out ng pamamahagi ng Financial Assistance na nagkakahalaga ng ₱6,500 para sa bawat mahirap na pamilya.

Tinatayang nasa 3,750 pamilya ang nakatanggap ng naturang ayuda. Sila ay nagmula sa ilang barangay ng Pandi (580 pamilya), San Rafael (1,233 pamilya), at Baliuag (1,937 pamilya), Bulacan.

Sa kabuuan, ang ayudang naipamahagi sa araw na ito ay nagkakahalaga ng ₱24,375,000.

Ayon kay Cynthia, noong hindi pa  napapatupag ang Enhanced Community Quarantine ay nakakaraos naman sila ng kanyang limang anak kahit papaano. Ngunit lalong himirap daw talaga ang kanilang kalagayan ngayon,

Malaki ang kanyang pasasalamat sa ayudang natanggap, “Salamat sa DSWD, malaking tulong ito – titipirin namin ito at para sa pagkain lang talaga,” sabi ni Cynthia. 

Ito pa lamang ang simula ng pamimigay ng ayuda sa naturang rehiyon at inaasahang magtutuloy-tuloy na ito mula sa araw na ito.

Ang Social Amelioration Program ng DSWD ay isang uri ng pinansyal na ayuda mula sa pamahalaan. Ito ay nakalaan para sa mga mahihirap na pamilyang higit na naapektuhan ng COVID-19 krisis at ng ECQ. 

Ang mga pamilyang nakatanggap ay kabilang sa impormal na sektor na walang pinagkakakitaan dahil sa ECQ at sila ay may miyembrong kabilang sa alin mang bulnerableng sektor.

image_pdfimage_print