Noong unang cycle, akala ni Leticia Macanas ay scam ang Kalahi kaya hindi siya volunteer, pero noong nabalitaan niya na nabigyan na ng pondo ang ibang barangay, nagsimula na siyang maging interesado sa pagsali dito.

“Dati, akala ko, bilang nanay, hanggang sa bahay nalang ako, pero dahil sa Kalahi, nalaman ko na kaya ko rin palang makatulong sa aming barangay.” Sambit ni Leticia.

Ramdam ang kanyang tuwa habang kinukwento nya na napapakinabangan na nila ngayon ang pinaghirapan nilang proyekto. “Ngayon, heto na mapapakinabangan na namin ‘yung pinaghirapan namin, kaya maraming salamat sa Kalahi.” Sambit ni Leticia Macanas, 48, Barangay Sub-Project Management Committee Chairperson, sa Ginanap ang turn-over ceremony para sa kanilang limang (5) deep well water pump para sa sakahang lupa sa Brgy. Alula, Talugtug, Nueva Ecija.

“Nagpapasalamat ako sa mga kapwa ko volunteers na hindi sumuko. Ngayon ay matutugunan na ang ang problema natin sa ating mga lupang sinasaka. Nagpapasalamat din ako sa samahan na ating nabuo.” Ani Genalin Batalla, Project Implementation Team (PIT) Head.

Lubos din ang pasasalamat ni Gng. Frances Jean Ramos sa mga community volunteers at Barangay Local Government Unit (BLGU) sa kanilang suporta upang maipatupad ang proyekto, “Hindi ito maipapatupad kung hindi dahil sa tulong ng ating mga community volunteers at suporta ng mga barangay officials. Sana ay ‘wag kayong magsawang sumuporta at sana ay patuloy na maglaan ng pondo ang BLGU para sa pagmimintina ng programa.”

Pangako naman ni Roger Doctolero, 48, Presidente ng Samahan ng Magsasaka ng Barangay Alulua (SAMABA), “Pangangalagaan naming ito upang mas marami pa ang makinabang dito.” Sila ang grupo na manguna sa pangangalaga at pagmimintina ng kanilang proyekto.

Ngayong 4th cycle, ang Talugtug ay gagamit ng Municipal Program Implementation Plan (MPIP), ito ang pinagsamang CDD process at lokal na proseso. Ito rin ang gagamiting proseso ng Quezon, at Gen. Mamerto Natividad, Nueva Ecija.


#

image_pdfimage_print