Ang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services National Community – Driven Development Program (KALAHI CIDSS – NCDDP) ay isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tumutugon sa mga pangangailangan ng mahihirap na komunidad sa pamamagitan ng bayanihan.

Gumagamit ito ng pamamaraang community-driven development (CDD) kung saan ang mga residente o community volunteers (CVs) ang mismong tumutukoy sa mga pangangailangan ng komunidad at aktibong lumalahok upang mapahusay pa ang lokal na pamahahala. Sila rin ang pumipili at magpapatupad ng mga akmang solusyon dito.

Katuwang din ng programa ang mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng Local Counterpart Contribution (LCC) sa mga barangay na napiling mabibigyan ng prioriridad na mabigyan ng pondo.

Ang programa ay mayroong apat na cycle, kung saan ang tatlong cycle ay ginagamitan ng Community Empowerment Activity Cycle upang maipatupad ang isang proyekto. Ito ay may limang stages:  Social Preparation and Community Consultation, Community Planning and Proposal Preparation and approval, Community-Managed implementation and CBO Formation, Community Monitoring, and Transition.

At, ang ika-apat na cycle ay tinatawag na Local Government Unit (LGU) Led, kung saan ang lokal na pamahalaan na mismo ang mangunguna sa pagpapatupad ng programa. At, ito ay gagamitan ng Municipal Program Implementation Plan (MPIP), ito ang pinagsamang CDD process at lokal na proseso.

Ang KALAHI CIDSS – NCDDP ay nagsimula sa Region III noong taong 2014. Mayroon lamang tatlong (3) munisipyo sa Nueva Ecija na nagpapatupad ng programa: Gen. Mamerto Natividad, Quezon at Talugtug at may kabuuang 64 barangays.

image_pdfimage_print