TALUGTUG, NUEVA ECIJA — Pormal ng ibinigay sa mga residente ng Barangay Alula, Talugtug, Nueva Ecija ang proyektong nakapagkasunduan nila na pagkakaroon ng limang (5) deep well water pump para sa lupang sinasaka ng barangay alula.

Hindi biro ang kanilang pinagdaanan bago ito maipatupad. Gayunpaman, hindi sila sumuko dahil ito ang tutugon sa kanilang problema sa kakulangan ng tubig para sa kanilang mga lupang sinasaka. Umaasa lamang kasi ang residente sa sahod ulan na nagiging resulta ng single cropping ng mga magsasaka kada taon.

Kung kaya umaasa si Donna Miranda, residente ng Barangay Alula na mas lalaki ang kita nila sa kanilang bukirin, “Madalas kasi ay nakaka isang cropping lang kami sa isang taon, dahil hindi kami naabutan ng irigasyon, umaasa lang kami sa sahod ulan. Ngayon na ‘yung isa sa limang water pump ay malapit sa bukid namin, umaasa kami na kahit makadalawang cropping kami sa isang taon.”

Isa lamang ang pamilya ni Donna Miranda sa 267 sambahayan na makikinabang sa limang (5) deep well water pump.

Bilang pagtatapos na mensahe sa ginanap na turn-over ceremony, pinaalalahanan ni Irene Crespo, Assistant Regional Director for Administration, DSWD FO 3 ang mga residente na pangalagaan ang proyekto,

“Ituring natin ang proyektong ito na parte ng ating pamilya, dahil tulad ng isang pamilya, kapag ito ay nagka-problema, sama-sama natin itong aayusin para tumagal pa ang kapakinabangan nito.”

Ang proyekto ay may kabuuang pondo na Php 2,233,222.00. Php 2,136,400.00 dito ay mula sa Department of Social Welfare and Development Kapit-Bisig Laban Sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (DSWD Kalahi-CIDSS) Php 85,821.73 ay Municipal Local Government Unit (MLGU) at Php 11,000.00 ay mula naman sa Barangay Local Government Unit (BLGU).

#

Story and Photo by: Jeffrey Pelariza

image_pdfimage_print