Archive | news

DSWD Field Office III braces for ‘Maring’

The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office III has prepositioned relief goods to the six (6) provinces of Central Luzon in support of the local government’s disaster relief operations.

Ms. Editha Diaz, Administrative Officer IV of the DSWD Field Office III said that 10,089 family food packs were prepositioned to the DSWD satellite warehouses in the six provinces of Central Luzon with the following breakdown: Aurora (8,064 packs); Bataan (479); Bulacan (474); Nueva Ecija (517); Tarlac (490); and Zambales (65).

Aside from this, the DSWD FO III warehouse has available 10,143 family food packs and non-food items like laminated sacks, blankets, mosquito nets, plastic mats, malong, and cooking utensils, Diaz added.

As part of the disaster preparedness, DSWD FO III has convened all its quick response teams (QRT) and maintains close coordination with the Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) in the region and local DRRMC in the local level.

As of 1:00 P.M. today, the QRT on duty has not received reports of affected areas in the region. The QRTs will continue to monitor the weather conditions for the possible effects of typhoon ‘Maring’in the region. ### (Evelyn T. Manalo)

Posted in newsComments (0)

Ikalawang Hakbang sa Kampanya Laban sa Pamamalimos, Panlilimos

“The start of BER months signals mendicancy. Mendicancy breeds hazards, degrades dignity, and breeds crime which leads to exploitation. This issue is multi-dimensional (Ang simula ng BER months ay s’ya ring hudyat ng mendicancy. Ang mendicancy nama’y nagdudulot ng mga panganib, at nagbubunga ng krimen na s’ya namang nagiging dulot ng eksploystasyon. Ang isyung ito ay multaydimensyunal),” ito ang ilan sa mga naging mensahe ng DSWD Field Office III Regional Director, Gemma B. Gabuya sa kakatapos na ikalawang pagpupulong ng Task Force Kalinga: Sagip Katutubo, na ginanap sa bayan ng Porac, Pampanga, August 14.

Ang Task Force Kalinga: Sagip Katutubo ay isang inter-agency committee na naglalayong makabuo ng koordinasyon, makakolekta ng mga plano, at magsilbing taga-pagimplementa ng mga tama at nararapat na interbensyon para sa mga biktima ng issue ng mendicancy o pamamalimos at panlilimos. Ang pangkalahatang layunin nito ay tuluyan ng mabura ang mga kaso ng mendicancy sa Gitnang Luzon.

“Ang pagbuo ng ganitong task force ay napapanahon. Para makita ng lahat na hindi pamamalimos at panlilimos ang solusyon. Ang kailangan namin ay farm to market road,” sabi ni Barangay Captain Benzon King, ng Barangay Inararo. Ang naturang barangay pati na rin ang Barangay Villa Maria ay ilan sa mga napag-alamang red sites areas sa bayan ng Porac, kung saan may mga kaso ng katutubong patuloy na tumatangkilik sa kultura ng panlilimos at mga panganib na kaakibat nito. Naniniwala rin si Capt. Benzon na kung tamang tulong ang maibibigay sa kanilang mga katutubo ay magkakaroon sila ng tunay na pag-unlad, tulad ng pagkakaroon ng farm to market road na kanilang kailangan sa paghahatid sa merkado ng kanilang mga tanim na gulay at prutas.

Ang DSWD Field Office III, kasama ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), ay ang ulo ng nasabing kumite. Ilan sa mga aktibong miyembro ng kumite ay ang mga nasyonal na ahensya tulad ng Philippine Information Agency (PIA), Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), at Commission on Human Rights. Kasama rin ang mga Local Government Units (LGUs) na may mataas na kaso (red flag identified sites) ng mendicancy tulad ng bayan ng Porac at Floridablanca sa lalawigan ng Pampanga; bayan ng Capas at Bamban sa lalawigan ng Tarlac; at bayan ng Botolan, sa lalawigan ng Zambales; media partner tulad ng CLTV36; at iba pang aktibong Civil Society Organizations (CSOs).

“Malaking tulong ito para sa mga katutubo. Makakatulong ito para matutukan ang maling pagkilala at pagtanggap ng mga tao sa kultura ng pamamalimos,” bahagi ni Barangay Captain Rogelio Valencia, mula sa Barangay Villa Maria, na kabahagi rin sa pagpupulong.

Ilan sa mga nakalatag na mga aktibidad ng kumite para sa mga katutubo ay ang Donor’s Forum na pangungunahan ng mg CSOs at Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMRs), sportsfest para sa darating na buwan ng Indigenous Peoples (IPs) sa darating na Oktubre, PaskuJuan (Pasko ni Juan) o Christmas Celebration, at IP Health Summit ngayong buwan, na pangungunahan naman ng DOH.### (Andyleen C. Feje)

Posted in newsComments (0)

Gerona, bumuo ng task force na tututok sa mga isyung may kinalaman sa kasarian

Municipality of Gerona, Tarlac—Sa ikaapat na pagkakatao’y muling bumisita ang DSWD Field Office III sa isa sa mga munisipyo ng Gitnang Luzon na may mataas na kaso (red flag identified area) ng early marriage at/ early pregnancy upang magsawa ng GAD mapping nitong kakatapos lamang na ika-9 ng Agosto, taong 2017.

Layunin ng naturang aktibidad na palabasin ang issues at gaps ng kinakaharap ng mga benepisyaryo ng Pantawid na maaaring hindi napapaloob sa Pantawid Pamilya Information System (PPIS). Gayundin ang makapagbuo ng isang task force o grupo na makakatuwang ng benepisyaryo sa kinakaharap nilang issues at gaps na may kinalaman sa gender o kasarian.

“Ang pinakamabigat na layunin ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) ay hindi lamang palakasin ang skills na mayroon ang mga benepisyaryo nito at magkaroon sila ng financial literacy, kundi ang mas mapalawak pa ang kanilang development bilang tao, sa kabuuan,” pagbibigay diin ni Ms. Daisy Tenerife, Gender and Development (GAD) Focal Person.

Binisita rin ng DSWD Regional staff at provincial staff sa pangunguna ni Ms. Daisy Madrid, Provincial Link ng Tarlac, ang isang pamilyang patuloy na mababa ang compliance rate pagdating sa edukasyon. Napag-alaman ng grupo na hindi lamang pala ito isang simpleng kaso ng teenage pregnancy. Ang paghinto ng pag-aaral ni “Abigail” ay nag-ugat pa sa pagkakasakit ng pareho niyang mga magulang. Mula ng magupo ng stroke ang kanilang ilaw ng tahanan (na nagsisilbing tipagtaguyod ng pamilya, sapagkat ang kanilang ama ay may sakit sa puso) ay tila nagupo na rin ang pag-asa ni Abigail na makatapos ng pag-aaral. Napilitan siyang mangibang- bayan at mamasukan bilang kasambahay, kung saan niya nakilala ang kaniya ngayong kinakasama. Nakipag-live in si Abigail, sa edad na 18 sa pag-aakalaang siya ay buntis. Isa lamang si Abigail sa 17 reported/disclosed (4Ps beneficiaries) na kaso ng early pregnancy/ marriage sa mga kabataan sa bayan ng Gerona.

Bilang pagtugon sa ganitong mga kasong kinakaharap ng mga kabataan at iba pang miyembro ng 4Ps ay bumuo ang bayan ng Gerona, sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), kasama rin ang local Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP), Municipal Health Office (MHO), Violence and Women and Children (VAWC), Civil Society Organization (CSO), Municipal Action Team (MAT), at Municipal Mayor, ng task force na s’yang tututok sa mga reported/disclosed data na may kinalaman sa gender.

“Ang pagbuo ng task force na ito ay una, para sa ating mga kababayan, at para sa bayan. Hindi lang naman tayo ang may ganitong problema, national issues ang mga ito. Kaya naman, baka sa dahil sa efforts natin na ito ay may matutunan din sa atin ang ibang bayan,” bahagi ni Engr. Eloy C. Eclar, Municipal Mayor.

Magiging pangunahing katuwang din nila rito ang mga Parent-Leader sa bayan ng Gerona. Isa na rito si Nanay Rhea Estabillo, na nagsabing, “naranasan ko pong mabugbog noon, kaya naman, ayokong nakakakita ng babaeng may pasa. Kaya kung mayroon mang naaabuso sa aking mga miyembro ay handa akong ipaglaban sila, saan man kami makarating.”

Sa tulong ng Family Develoment Session at mga seminars at capability building training ay mas napalawak pa ang kaalaman ng mga Parent-Leader sa mga karapatan at tungkulin nila bilang isang aktibong benepisyaryo.

“Naiintindihan ko po at pinapaliwanag sa aking mga miyembro na ang grant na nakukuha namin sa 4Ps ay hindi pangtustos kung hindi pandugtong lamang sa kung ano ang kulang at mayroon kami. Kaya kailangan pong samahan ng sikap,” bahagi ni Tatay Rolando Salsedo, ang nag-iisang lalaking Parent-Leader ng Gerona, at s’ya ring kinilalang Best Parent-Leader ng bayan. ### (Andyleen C. Feje)

Posted in newsComments (0)

MCCT Family Camp: Pagpapatibay ng samahan ng pamilya ginanap sa Nueva Ecija

“Nakita ko po ang pagmamahal sa amin ng D’yos. Nagpapasalamat po ako sa pagtit’yaga n’yo sa amin. Mapalad po kaming kayo ang ibinigay ng D’yos sa amin,” ito ang isa sa ‘di malilimutang testimonya ni Nanay Mylene, benepisyaryo ng Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) sa kakatapos lamang na 3-day Family Camp para sa mga katutubong Igorot na mula sa bayan ng Carangglan.

Ang naturang Family Camp, na ginanap sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, ay dinaluhan ng mahigit kumulang 200 na benepisyaryo ng MCCT. Ito ay naglalayong palakasin at pagyabungin ang pisikal, mental, emosyonal, sosyal, at ispiritwal na antas ng mga benepisyaryo ng nasabing programa sa pamamagitan ng team building, sport fest, at ilang sesyon ng pag—aral tungkol sa kahalagahan ng katawan, pagkatao, pamilya, at pagsusumikap sa buhay.

“Ito ay isang experience na hindi namin malilimutan, lalo na ng mga bata. Nakita ko sa mga mata nila ang joy. Ang dami naming baong bagong experience at aral,” ganito ilarawan ni Nanay Aida Orbano ang naging bunga, ng produktibo, aniya, na Family Camp.

Isa sa mga naging highlights ng naturang serye ng mga aktibidad ay ang Renewal of Vows ng MCCT couples, na pinangunahan naman ng Civil Society Organization (CSO) partner na si Pastor Honesto Fortes. “Sa tulad kong minsan lang sa dalawang buwan makauwi, napakalaking oportunidad nito para sa amin bilang mag-asawa at bilang isang pamilya,” bahagi ni Tatay Lope Bacomo. Pinangalawahan naman ito ng pahayag ng galak ni Nanay Leann Caser na nagsabing, “Masaya. Hindi man namin naisip na maikakasal kami ulit. Dati sa munisipyo lang kami kinasal. Walang seremonya.”

Nagkaroon din ng disaster preparedness and mitigation discussion and interaction na pinangunahan naman ng team ni G. Ricky Ventura, Chief Operations Officer I ng Local Government Unit (LGU) ng Cabanatuan City. Binigyang diin nila ang mga kahandaan bago, habang, at pagkatapos ng mga kalamidad tulad ng lindol, bagyo, sunog, at landslide na karaniwang nararanasan sa bayan ng Carranglan. “Natutunan naming mag-asawa kung pa’no mas mainam na alagaan ang aming mga anak. Mas naging handa rin kami, bilang isang pamilya, sa mga nakaambang disaster. Salamat sa MCCT family camp,” masayang pagmamalaki ni Tatay Johnny Habiling.

“Ang MCCT Family Camp na ito ay idinisenyo partikular para sa ating mga IP (Indigenous People) families, upang sila ay mabigyan ng pagkakataon para makapaglibang, makapagsaya, na may kaakibat namang pagpapatibay ng kanilang pagsasamahan bilang isang pamilya,” paliwanag ni Ms. Rhea Lynn Cabiling, MCCT Focal Person ng DSWD-4Ps sa Gitnang Luzon. ### (Andyleen C. Feje)

Posted in newsComments (0)

DSWD Field Office III promotes welfare of employees

DSWD Field Office III Regional Director Gemma B. Gabuya (center) forges partnership with Mother Teresa of Calcutta Medical Center for the Health Care Program of DSWD Field Office III employees. Representing the MTCMC are Mr. Alfred Sumaya (2nd from right) Chief Operating Officer, Mr. Efren De Jesus (far right) and Mr. Mark Kevin Santos (2nd from left). Also in photo is Ms. Priscila Tiopengco, OIC-Chief of the Institutional Development Division of DSWD FO III.

The Department of Social Welfare and Development Field Office III (DSWD FO III) has entered into a Memorandum of Agreement (MOA) with Mother Teresa of Calcutta Medical Center (MTCMC), for the health care program of the DSWD Field Office III employees on August 14, 2017.

MTCMC, a duly licensed hospital located in the City of San Fernando, has offered to provide hospitalization and out-patient services to employees of the DSWD FO III and their qualified dependents.

The agreement shall cover the emergency consultation and treatment, ambulance conduction, elective OPD services, and medical and surgical in-patient services of the DSWD field Office III’s employees and their qualified dependents within the limit specified in the Letter of Authorization (LOA)/ Guarantee Letter (if internal health fund is present) and certificate of employment issued by the DSWD.

Under the MOA, the employee-patient shall pay the Hospital within 30 calendar days from the receipt of the hospital billing with attached documentary requirements. Failure to settle the said bill within the prescribed period, the patient will pay an additional 3% for every month of delay as penalty.

MTCMC shall give the DSWD employees a prompt payment discount of 5% of the total hospital bill net of PhilHealth excluding professional fees if payment is remitted to the hospital within seven (7) days from the receipt of hospital’s statement.

Initially, the employee-patient shall be given a limit of P50,000.00 and if the limit is exceeded, then the MTCMC shall require the patient to make partial payments so as not to exceed the limit.

The MTCMC has also prepared exclusive packages with discounts for laboratory examinations such as chemical, physical, microscopic examination, and drug test. The employee-patient can choose from the packages classified into five (5) tiers that range from P753 to P3,601.

“This is one way of showing our concern to our workers, especially to our Cost of Service (COS) employees who do not have health cards,” Regional Director Gemma B. Gabuya said.

As a department that upholds the rights and promotes the interests of the poor, vulnerable and disadvantaged individuals, families and communities, we must also promote the welfare of our employees by providing quality health care for them. They are the people who implement our programs and services to the people and communities that we are serving, Gabuya added. ### (Evelyn T. Manalo)

Posted in newsComments (0)

DSWD Field Office III lauds new social workers

Department of Social Welfare and Development Field Office III Regional Director Gemma B. Gabuya led the FO III family in congratulating the successful examinees of the July 2017 Social Workers Licensure Examination during the Monday flag raising ceremony, August 7, 2017.

Seventy three or 70.19% of the 104 examinees, who are already working in the field office in different positions, passed the said examination. Examinees answered questionnaires on Human Behavior and Social Environment (20%), Social Welfare Policies, Programs, and Services (20%), Social Work Practice {Part I, Part II, Part III} 30%, and Field Instructions (30%).

The Professional Regulation Commission (PRC) together with the Professional Regulatory Board of Social Workers administered the examination on July 27-28, 2017 in selected testing centers in the cities of Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pagadian, Tacloban, Tuguegarao, and Zamboanga.

Examinees answered questionnaires on Human Behavior and Social Environment (20%), Social Welfare Policies, Programs, and Services (20%), Social Work Practice {Part I, Part II, Part III} 30%, and Field Instructions (30%).

As defined by Republic Act No. 5175, “social work is the profession which is primarily concerned with organized social service activity, aimed to facilitate and strengthen basic social relationships and the mutual adjustment between individuals and their social environment for the good of the individual and of society by the use of social work methods.”

As such, social work is the professional activity of helping individuals, groups, or communities enhance or restore their capacity for social functioning and creating societal conditions favorable to this goal. To become a social worker, one has to go to college and take up Bachelor of Science in Social Work (BSSW).

Director Gabuya also lauded Ms. Lalaine de Leon, OIC-Chief of the Policy and Plans Division for passing the CES-Written Examination (CES-WE), formerly called the Management Aptitude Test Battery (MATB). The CES-We is the first of the four-stage CES Eligibility Examination Process. It is a paper-and-pencil type of test that determines the applicant’s general intelligence and knowledge of management concepts and principles.

The Career Executive Service Board is the governing body of the Career Executive Service. The CESB is mandated to promulgate rules, standards and procedures on the selection, classification, compensation and career development of members of the CES.

Director Gabuya also encouraged the newly registered social workers, who are mostly Municipal Links, to continue to work ‘nang may malasakit’. ### (Evelyn T. Manalo)

Posted in newsComments (0)

Adbokasiya sa Anti-Mendicancy, pinag-igting


“Gaano man kaganda ang intensyon sa pagbibigay limos, ito ay hindi tunay na pagtulong. Hindi kayang tumbasan ng iilang barya ang panganib na nakaabang sa mga kapatid nating katutubong namamalimos sa daan,” ganito ilarawan ni Ms. Rhea Lynn Cabiling, Focal Person ng Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) sa Rehiyon III, ang nakaakit na panganib sa pamamalimos.

Ito ang binigyang diin ni Ms. Cabiling sa Focus Group Discussion (FGD) na ginanap kamakailan sa dalawang barangay ng Porac, Pampanga.

Ang FGD ay bahagi ng adbokasiya ng Department of Social Welfare and Development Field Office III (DSWD FO III) kaugnay sa Anti-Mendicancy. Bumisita si Ms. Cabiling, Mr. Jerome Nicdao, Municipal Link, at Ms. Andyleen Feje, Information Officer ng Pantawid Pamilya sa mga naiulat na mga lugar na may mataas na ulat sa mendicancy. Una na nga rito ang munisipyo ng Porac, kung saan matatagpuan ang pinakamalaking populasyon ng katutubo sa probinsya ng Pampanga.

“Ang dami na po nating programa, sa nasyonal at lokal. Ang problema kasi ay nasa atin. Wala nang mamalimos kung walang magbibigay limos. Kaya imbes na mabawasan, lalo pang nadaragdagan. Ire-rescue mo ngayon, babalik na naman mamaya,” bahagi ni Jhoanne Arcega, Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng Porac, Pampanga.

Ayon sa maraming kritiko ng programa, lalo na sa social media, ang mga programang nasyonal at lokal ay hindi epektibo, at ang mga programa tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Progrma o 4Ps at MCCT ay isa ring paraan ng panlilimos at ginagawa lamang na tama dang mga benepisyaryo nito. Upang tiyakin kung ang opinyong ito’y may katotohanan at sa parehong pagkakataon ay simulan ang kampanya ng anti-mendicancy. ### (Andyleen C. Feje)

Posted in newsComments (0)

Ang Hamon sa mga Modelong Ama


“Sikapin natin, mga Tatay, na manguna sa laban upang wakasan ang bilang ng mga batang nauulila, naaabandona, at dinadala sa centers and institution ng DSWD,” ani Dir. Gabuya, matapos ibahagi ang ilang statistics na may kinalaman, sa ngayo’y kampanya ng administrasyon laban sa droga. “Kayong mga modelong ama ang s’yang pagkukuhanan ng susunod na henerasyon ng magiging pagtingin nila sa mundo,” dagdag pa niya.

Ang mga makakahulungang salita na ito ay ibinahagi ni Dir. Gabuya sa Kauna-unahang Pagkilala sa mga Modelong Ama ng 4Ps, na may temang, “Kalalakihan, Ka-partner sa Pagsulong ng Karapatan ng Kababaihan.”

“Naniniwala ako na bago pa dumating ang Regional Search for Modelong Ama ng Pantawid Pamilya, ay mayroon, sa mga 4Ps Households na may model families, kung saan mayroong modelong ina at ama,” bahagi ni Gng. Tomasa T. Lirio, ang Regional Program Coordinator (RPC) ng 4Ps sa Gitnang Luzon. Nais na manguna ng 4Ps, at maging katuwang ng gobyerno sa pagpapalaganap ng women’s right at pagsugpo sa mga dikriminasyon na bumabalot sa sistema, istraktura, polisiya, programa, at mga proseso sa lipunan. Gayunpaman, kahit ang Pantawid ay kilala sa pagkakaroon ng mukha ng kababaihan, sapagkat 89% ng grantees nito ay pawang kababaihan, hindi pa rin nito tinatanggal ang pagkilala sa mga kalalakihan, pagkilala bilang aktibong kabahagi ng mga kababaihan sa paghuhubog ng mas tamang gampanin o gender relations sa loob ng tahanan ng mga Pantawid households o sambahayan, na s’yang naging pundasyon ng pagkakabuo ng naturang National Search for Modelong Ama ng Pantawid Pamilya, na s’ya namang binaba sa bawat rehiyon at probinsya.

Ngayong taon, 2017, dito sa Gitnang Luzon ay itinanghal si G. Danilo B. Salonga bilang Modelong Ama ng Pantawid Pamilya. “Sa bawat tahanan dapat magsimula ang pagkakapantay-pantay ng bawat indibidwal, dapat kilalanin natin bilang mga ama, ang importansya ng sektor ng kababaihan at kabataan bilang sa pagbuo ng mas matatag na tahanan at lipunan,” pagbibigay diin ni Tatay Danilo sa isang talumpati. Si Tatay Danilo ay ang Modelolong Ama mula sa Sitio Kinaragan, Duale, Limay, Bataan.

Dalawapu’t pitong taon na Chieftain ng tribong Magbukon sa kanilang lugar si Tatay Dani, at sa loob ng 27 taon na iyon, sa kabila ng kawalan ng sweldo at honorarium, ay napagtagumpayan niyang makapagpatapos ng mga anak, at mailapit ang posibilidad na makapag-aral din at magkaroon ng magandang buhay pati na ang mga kapwa niya katutubo, lalaki man o babae. Kaya naman, ang ngayo’y bagong Chieftain ng tribo, ay isang babae, si Margarita Rosales.

Nakapagpasa siya ng resolution, Resolution No. 95 noong July 11, 2016 na naglalayong pondo ng pagsusukat at pagpapalabas ng mga sertipiko o titulo ng lupa ng mga katutubo (ancestral domain title) para sa mga Aeta ng probinsya ng Bataan, na nagkakahalaga ng 4.2 milyong piso. At hindi lamang natatapos doon ang lahat, sapagkat ang 20% ng neto o kita ng probinsya ng Bataan ay direktang napupunta sa samahan ng mga katutubo na may maayos na istraktura ng organisyon. At binibigyan din ng tatlong araw sa isang lingo na makapagtinda ang mga katutubo ng kanilang tanim at ani sa palengke ng bayan ng Limay.

Ang panganay na anak ni Tatay Dani, Si Rita S. Castillo, ay isa na ngayong Konsehala ng bayan ng Limay, at tagapataguyod at tagapag representa ng boses ng mga katutubo sa kanilang bayan. At sa mas mataas na kapulungan naman, sa buong probinsya, si Tatay Dani ang Bokal ng tribong Ambala at Magbukon sa dalawang probinsya ng Bataan. Sa kabila ng maraming diskriminasyon, noong una, tulad ng kawalang respeto at hindi pagsama sa kaniya sa mga pagpupulong ng mga opisyales ng probinsya, ay nanindigan at tinayuan ni Tatay Dani ang naturang posisyon, at ngayon nga siya ay nasa ika isang taon na ng pagsisilbi bilang Bokal ng Bataan para sa mga katutubo.

Binigyan din ng pagkilala si Tatay Joseph D. Atayan (1st Runner-up) ng probinsya ng Zambales, Tatay Rolmar I. Caranzo (2nd Runner-up) ng probinsya ng Bulacan, Tatay Julio B. Castillo ng probinsya ng Aurora, Jose C. Geron ng probinsya ng Pampanga, at Tatay Charles Romero ng probinsya ng Tarlac, bilang mga modelong ama ng kani-kanilang probinsya.

Sila, sa pangunguna ni Tatay Dani, ang buhay na patunay na ang pagiging Tatay ay hindi lamang nakakulong sa pagiging Machong Hari ng Tahanan, kundi ang tunay na pagiging Tatay ay ang pagkakaroon ng pantay na disposisyon sa loob at labas ng tahanan, na isang malaking aspeto sa pagpapaunlad ng mapagkalinga, matapat, at mapagmalasakit na lipunan. ### (Andyleen C. Feje)

Posted in newsComments (0)

Transparency Seal

citizenzcharter

eaics_logo

philgeps

Tweets by ‎@dswdfo3


Related Sites

PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1YS5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8yPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yi5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yy5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1ZC5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfYWRzZW5zZTwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9kaXNhYmxlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbS9hZHMvMzAweDI1MGEuanBnPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHBzOi8vZm8zLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvdXBsb2Fkcy8yMDE3LzAzL2Jhbm5lcl9mbzMucG5nPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzI8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMzwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRzX3JvdGF0ZTwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hbHRfc3R5bGVzaGVldDwvc3Ryb25nPiAtIGRlZmF1bHQuY3NzPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYXV0aG9yPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hdXRvX2ltZzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fY3VzdG9tX2Nzczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9mYXZpY29uPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVhdF9lbnRyaWVzPC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgbnVtYmVyOjwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXR1cmVkX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgY2F0ZWdvcnk6PC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl9pZDwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlZWRidXJuZXJfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZ29vZ2xlX2FuYWx5dGljczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9mbzMuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC91cGxvYWRzLzIwMTcvMDMvcnN6X2ZpbmFsX2xvZ29fZHN3ZC5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19tYW51YWw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vc3VwcG9ydC90aGVtZS1kb2N1bWVudGF0aW9uL2dhemV0dGUtZWRpdGlvbi88L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19yZXNpemU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvcnRuYW1lPC9zdHJvbmc+IC0gd29vPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd19jYXJvdXNlbDwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd192aWRlbzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2luZ2xlX2hlaWdodDwvc3Ryb25nPiAtIDE4MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV93aWR0aDwvc3Ryb25nPiAtIDI1MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RhYnM8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RoZW1lbmFtZTwvc3Ryb25nPiAtIEdhemV0dGU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb192aWRlb19jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIFNlbGVjdCBhIGNhdGVnb3J5OjwvbGk+PC91bD4=