TARLAC CITY – Patuloy ang pagdaraos ng Peer Facilitator Training sa ilalim ng Youth Development Session para sa mga kabataang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program kung saan katuwang ng DSWD Region 3 ang US Peace Corps sa pagbibigay ng pagsasanay sa mga piling kabataan sa iba’t-ibang probinsya ng region 3.

Isa sa mga layunin ng pagsasanay na ito na hubugin ang mga kabataan upang mahikayat nila ang mga kapwa nila kabataan na out-of-school youth na bumalik sa eskwelahan at ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Paalala ni Regional Director Marites M. Maristela sa mga kabataan, “You will play a critical role as a facilitator in our Regional Youth Development Sessions. I hope you will sustain that kind of energy and passion because through you ma-address natin ang mga concerns ng kagaya ninyong mga kabataan. Tuloy-tuloy kayong maging model ng pagiging responsible youth nang sa ganun mahawa natin yung [mga kapwa ninyo kabataan] positive energy at positive attitude.”

Dagdag pa ni Jenner Edelman, Country Director ng Peace Corps Philippines, “I can tell that you are ready to go back to your communities and teach your fellow youth about the right path by encouraging them to go back to school and pursue their own dreams – encouraging them to invest on their education for a brighter future.”

Ang Tarlac ang pangalawang probinsya kung saan idinaos ang Peer Facilitator Training kasunod ng probinsya ng Nueva Ecija.