Ngayong araw ay nagsimula na ang pagdiriwang para sa ika-71 anibersaryo ng DSWD Region 3. Ngayong taon ay inaasahang magkakaroon ng iba’t-ibang aktibidad kung saan magkakaroon ng blended gatherings (limited face-to-face at virtual) ang mga empleyado at katuwang ng ahensya. 

Bilang opisyal na buksan ang pagdiriwang, binigyang parangal at pagkilala ang mga katuwang ng ahensya na patuloy na umalalay at sumuporta sa adhikain ng ahensya. 

Isinagawa rin kaninaang kauna-unahang State of the DSWD Region 3 Address si Regional Director Marites M. Maristela kung saan nagkaroon ng pagbalik tanaw sa mga nakamit at naging tagumpay ng ahensya sa loob ng tatlong taon. 

Pinasalamatan niya ang bawat empleyado na naging daan upang maapaghatid ang ahensya ng Maagap at Mapagkalingang serbisyo, “Ang lahat ng mga ito ay hindi maisasakatuparan kung hindi dahil sa mga magigiting na kawani ng ahensya, mga makabagong bayani, ang ating mga Angels in Red Vest. Sa kabila ng banta ng pandemya at iba’t-ibang sakuna, naging masigasig kayo sa paghahatid ng serbisyo para sa mga kliyenteng higit na nangangailangan.” dagdag pa niya.