Nagpadala ang DSWD Region 3 ng mga food at non-food items na nagkakahalaga ng ₱10,698,140.00 sa National Resource Operations Center (NROC) at sa Clark Air Force Gymnasium upang maipamahagi sa mga apektadong pamilya ng Region 8, Region 4B, at Region CARAGA. Nakatala sa ibaba ang mga detalye ng ayuda na ipinamahagi ng rehiyon:

ITEM QUANTITY TOTAL COST REMARKS
Family Food Pack 8,000 ₱ 6,213,400.00 Hauled at Northern Luzon Command and delivered to NROC
Sleeping Kit 2,000 ₱ 1,335,500.00 Delivered to Clark Airforce Gym; Intended for DSWD Region 8
Hygiene Kit 1,000 ₱ 1,700,000.00
Family Kit 600 ₱ 1,380,000.00
*DAFAC 39,000 ₱      69,420.00       Intended for DSWD Caraga

*Ang Disaster Assistance Family Access Card o DAFAC ay naglalaman ng mga pangunahing impormasyon tungkol sa isang pamilyang apektado ng kalamidad at mga tulong na kanilang natanggap kaugnay nito. Ito ay ginagamit ng DSWD para subaybayan ang probisyon ng kanilang mga pangangailangan at masiguro na ang bawat pamilya ay nakatanggap ng karampatang ayuda mula sa ahensya.

Nakipag ugnayan ang DSWD Region 3 sa Office of Civil Defense Regional Office 3 para sa logistical support sa pagkuha at pag-deliver ng mga food at non-food items sa Regional Warehouse ng DSWD FO III at sa Northern Luzon Command, Camp Servillano Aquino, Tarlac City.

Ayon kay DRMD Chief at Assistant Regional Director for Operations Venus F. Rebuldela, “Inaasahan namin na ang ayudang aming ipinaabot ay makatulong sa pagbangon ng mga survivors ng bagyo.” 

###