Ang Belenisimo ay isang taunang patimpalak sa probinsya ng Tarlac na nagsimula noong 2007, tampok rito ang paggawa ng mga iba’t-ibangbinterpretasyon ng Belen tuwing kapaskuhan.

Sa kauna-unahang pagkakataon, sumali ang DSWD Region 3 sa nasabing selebrasyon. Nilahukan ito ng mga staff and residente ng Tarlac Lingap Center (TLC).   

“Hindi pala ganoon kadali ‘yung mag set-up ng Belen pero naramdaman namin na hinid kami nag-iisa dahil tumulong yung mga DSWD staff at iba pang partners ng ahensya gaya ng mga sundalo mula sa NOLCOM na malapit dito. Kaya inenjoy na lang namin – manalo, matalo, basta nag-enjoy kami.” Sambit ni Charito Regalado, Head Social Worker ng TLC. 

Dagdag pa ni Charito, ibang klaseng tuwa ang naramdaman ng mga residente ng TLC, “Yung mga bata sobrang excited sila. Tinatanong nila kagabi kung matutulog pa ba sila. Kahit yung mga di kasali sa sayaw, nagtatanong kung pwede pa ba silang manood, sabi ko, siyempre. Iba talaga yung tuwa nila – lalo na pasko na.” 

Nagpakitang gilas naman ang mga ilang residente ng TLC sa pamamagitan ng pagsayaw na siya namang sinuportahan ng 4Ps staff  sa kanIlang pagkanta para sa pagbubukas ng kanilang Belen na kalahok sa kompetisyon. 

Ang TLC ay nagsisilbing pansamantalang tirahan ng mga Children at Risk o CAR. Sila ay nagbibigay ng oportunidad upang maging mabuting miyembro ng komunidad ang mga batang residente.

Ayon kay Regional Director Marites M. Maristela, CESO III, ang aktibidad na tulad nito ay malaking tulong sa paghahanda sa mga residente bago sila bumalik sa kanilang pamilya at komunidad, “With activities such as this, aside from having fun, the participants experience strains and challenges that would teach them how to deal with such in a socially acceptable manner. It can be part of the treatment plan of the social workers to prepare the children for reintegration.”

Tunay nga na sa kabila ng pandemya, damang-dama parin ang pag-asang hatid ng kapaskuhan, sa tulong na rin ng patuloy na pagmamalasakit ng DSWD sa mga bata at sa pamilyang pilipino.

###