Botolan, Zambales – Idinaos kahapon, August 10, 2021, ang KALAHI-CIDSS NCDDP Additional Financing Launching at pag-lagda ng kasunduan sa Bayan ng Botolan, Zambales.

Layunin nito na ma-orient ang Local Government Unit (LGU) sa proceso at timeline ng programa, gayundin upang mapalakas ang suporta ng LGU at iba pang mga stakeholders sa pagsasabatas ng Community Driven Development (CDD).

Pinangunahan ni DSWD Region 3 Promotive Services Division Chief Vilma R. Serrano at Municipal Mayor Doris E. Maniquiz ang pormal na pagtanggap ng bayan ng Botolan sa programang KALAHI-CIDSS NCDDP Additional Financing na may allocation grant na 20 milyong piso. 

Inaasahang magbibigay tulong at ginhawa ito sa bayan ng Botolan na may labing-isang barangay na kinabibilangan ng mga katutubo. Ayon kay Ernie Juliano, punong barangay ng Villar na isang Ayta Tribe, “Napaka-ganda po ng programa ng KALAHI-CIDSS, dahil habang ipinapaliwanag at inisa-isa, ay talagang lalo kaming nagkaka-interes sapagkat isa ang aming bayan sa napili na nabigyan ng programang ito.”

Lubos ang tuwa ng mga dumalo sapagkat ang bayan ng Botolan ang unang bayan sa probinsya ng Zambales na nabigyan ng pagkakataon na maging benepisyaryo ng KALAHI-CIDSS. Isa lamang sila sa walong (8) munisipalidad sa buong Central Luzon na nabiyayaan ng programa.

Dinaluhan din ito ng mga SB Members sa pangunguna ni Municipal Vice Mayor Doris Ladines, Municipal Social Welfare and Development Officer Edwina C. Sibug, mga punong barangay at iba pang stakeholders.

###