Ang DSWD Region 3 ay nakapag bahagi na ng 2,300 na Family Food Packs (FFPs) na nagkakahalaga ng ₱1,176,958.020 sa mga munisipyo ng Hermosa, Samal, at Orion sa probinsya ng Bataan. Ang bawat FFPs ay naglalaman ng bigas at ready-to-eat food gaya ng delata, powdered cereal drinks, at kape.

Naitala na  229,220 ang bilang ng mga apektadong pamilya mula sa mga probinsya ng Bataan (77,415), Bulacan (81,205), Pampanga (70,029), at Zambales (571) ng nagdaang Southwest Monsoon na nagdulot ng matinding pag-ulan at pagbaha.  Samantala, 83 Evacuation Centers pa ang patuloy na bukas para sa 1,220 mga pamilya sa Bataan (181), Bulacan (202), Pampanga, (832), at Zambales (1). 

Tinatayang nasa 256 na kabahayan naman ang napinsala, karamihan ay mula sa probinsya ng Bataan (247), na sinundan naman ng Pampanga (7), at Bulacan (2). 

Sinisigurado naman ni Regional Director Marites M. Maristela, CESO III na handa ang ahensya sa panahon ng kalamidad at sakuna, “Laging naka-alalay ang DSWD Region 3 sa mga local government units at lalong-lalo na sa publiko. Hangad namin na makapagbigay ng maagap at mapagkalingang serbisyo.”

 

###