Pre-bid conference of Talipapa Building Construction at Pandi, Bulacan

 

Pandi, Bulacan – Idinaos kahapon, June 16, 2021, ng Barangay Poblacion ang isang Pre-Bid Conference para sa pagpapatayo ng Talipapa Building sub-project ng KALAHI-CIDSS KKB.

 

Ang nasabing sub-project ay inaasahang magbubukas ng oportunidad para sa kabuhayan ng mga residente, ganoon din upang maisaayos ang pamilihan ng bayan. Ito ay may pondong Php 7,500,000.00 na manggagaling sa KALAHI-CIDSS KKB at Php 1,655,633.00 naman mula sa pamahalaan ng Pandi.

 

Ang Talipapa Building ay may apat na benepisyaryong barangay: Brgy. Poblacion, Brgy. Siling Bata, Brgy. Bagong Barrio, at Brgy. Mapulang Lupa.

Bilang lead barangay, binigyang importansya ni Rosario Alcaraz, Punong Barangay ng Poblacion, ang Talipapa building sub-project. Aniya, “Marami [itong] matutulungan na mga mahihirap na tao, yung mga walang hanap-buhay katulad ng mga vendor. Sila ay magkakaroon na ng parang sarili nilang tahanan, ibig sabihin wala na sila sa side-walk.” Inaasahan rin niya na ito’y makakatulong sa mga residente na hindi na lumayo upang mamili, bagkus ito’y magiging daan pa upang umunlad ang kanilang bayan.

 

Ang KALAHI-CIDSS KKB o Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay ay isang Community-Driven Development (CDD) project na naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga benepisyaryo nito sa pamamagitan ng pinalakas na pakikilahok sa lokal na pamamahala at pagdevelop sa kakayahang magdisenyo, magpatupad, at mamahala ng mga aktibidad na pangkaunlaran upang masugpo ang kahirapan.
Nakatakdang matapos ang Talipapa sub-project ngayong taon. Patuloy na iminumungkahi ang pakikilahok sa mga programang pangkaunlaran katuwang ang ating pamahalaan ngayong pandemya.

###