Noong nakaraang buwan, May 25 ay ang huling araw na namahagi ng pinansyal na ayuda para sa mga residente ng Bulacan na naapektuhan ng Expanded Community (ECQ) sa mga lugar mula sa NCR+ (Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal). 

Nakatanggap ang 2,967,039 na indibidwal ng halagang ₱1,000 para sa pinansyal na ayuda. Sila ay mula sa mga bayan ng Angat (50,080), Balagtas (67,366), Baliuag (123,534), Bocaue (108,33) Bulakan (65,617), Bustos (56,852), Calumpit (91,991), City of Malolos (212,777), City of Meycauayan (173,227), City of San Jose Del Monte (596,895), Doña Remedios Trinidad (20,176), Guiguinto (85,789), Hagonoy (106,234), Marilao (198,109), Norzagaray (93,190), Obando (48,136), Pandi (97,726), Paombong (44,136), Plaridel (89,595), Pulilan (90,027), San Ildefonso (93,377), San Miguel (133,647), San Rafael (83,259), at Santa Maria (236,966). 

Sa programang ito, umagapay ang DSWD Region 3 sa mga Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng Technical Assistance at pagiging parte ng Monitoring Teams.

Malugod ang pagbati ng DSWD Region 3 sa mga lokal na pamahalaan ng probinsya ng Bulacan para sa matagumpay na pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo ngayong panahon ng pandemya.  

###