Guagua, Pampanga, May 27 – Nagtapos ang 27 na benepisyaryo  ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). 

“Pag yung 4Ps ay nag graduate, ang ibig sabihin ay tumaas na ang lebel ng pamumuhay nila, na yun ang main na purpose ng programa. This is not the end, marami pa tayong programa through our MSWD at PESO, maraming posibleng mangyari sa ating pamumuhay,” pahayag ni Mayor Dante Torres. Ipinaabot ng munisipyo ng Guagua na hindi natatapos ang pag-alalay sa mga benepisyaryo dahil sila ay lilisan na sa programa. 

Ayon kay DSWD Region III Dir. Marites M. Maristela, CESO III, “Ang araw na ito is a very clear indication na nagiging epektibo ang interbensyon ng Pantawid, dahil kitang-kita sa pamamagitan ng 27 households na gagraduate ngayon, kayo ang nagdedemonstrate ng impact ng magandang resulta ng ating pagtutulungan, ito ang naging [magandang] bunga.”

Mula naman sa isang benepisyaryo ng 4Ps na si Marietta Nakpil na nagbahagi ng kanyang karanasan sa 4Ps, “Taos puso ang aking pasasalamat sa tulong at pagkakataon na natanggap ng aming pamilya sa loob ng walong taon mula sa DSWD at lokal na pamahalaan ng Guagua para umunlad ang aking pamilya. Ito ay gagawin kong inspirasyon para mapagtapos ko at mabigyan ng magandang buhay ang aking mga anak.” dagdag niya. 

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay naisabatas na noong 2019 sa ilalim ng RA 11310 o 4Ps Act, nilalayon na ang programa ay ang siyang maging pambansang istratehiya ng gobyerno sa pagsugpo ng kahirapan. Layunin ng programa na maiangat ang kapakanang pisikal, panlipunan, at pang-ekonomiya ng mga benepisyaryo.

###