SAN MANUEL, TARLAC —Ngayong araw, ika-24 ng Mayo, ay nagsimula ang pamamahagi ng cash cards sa mag 742 benepisyaryo ng Social Pension for Indigent Senior Citizens sa nasabing bayan.

Nilalaman ng cash card ang kanilang cash assistance mula sa Unconditional Cash Transfer (UCT) na nagkakahalaga ng  ₱3,600 bawat isa.

Bukod dito, sa parehong cash cards na rin idadaan ang benepisyong natatanggap ng mga nakatatanda sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens.

Ayon kay DSWD Region III Director Marites M. Maristela, CESO III, ito ang magandang inisyatibo ng pamahalaan upang mapabilis ang pagtanggap ng tulong mula gobyerno, “mas mabilis at mas ligtas para sa mga nakatatanda kung mayroon silang mga cash cards. Hindi na nila kailangan maghintay at mainitan sa mga big venue payouts – diretso na sila sa mga ATMs.”

Tinatayang aabot ng tatlong araw ang pamamahagi sa hingi pitong daang cash cards. 

Katuwang ng DSWD Region 3 sa serbisyong ito ang Landbank of the Philippines, Lokal na Pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno.


Samantala, abangan ang anunsyo ng inyong lokal na pamahalaan para sa iskedyul ng pamamahagi ng UCT cash cards sa inyong lugar.

###