PLARIDEL BULACAN — “We will stop poverty, buburahin natin ang kahirapan. Ang gobyerno ay nagbibigay lamang ng oportunidad pero nasa inyong mga kamay ang inyong kapalaran.” Paalala ni Regional Director Gemma B. Gabuya sa mga nagtapos na benepisyaryo.

Ginanap ang ikalawang mass graduation ng 218 na benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Sustainable Livelihood Program (SLP). Ang mga benepisyaryo ay nagtapos sa ilalalim ng mga kurso na Shielded Metal Arc Welding, Beauty Care, Dress Making at Bread and Pastry. Katuwang ang mga Technologcal Vocational Institutions na ATEC Technological College, Colegio de San Gabriel Arcangel at Richwell Colleges.

Isa si Renerio Nebreja sa mga nagtapos sa kursong Beauty Care NC II, “Masaya po ako nakagraduate na ako at natupad ko ang pangarap ko at sisikapin ko pong mapalago ang natanggap ko.  Nagpapasalamat din po ako sa DSWD dahil napasama ako sa ganitong training.”

Isang mensahe rin mula sa provincial team leader na si Bb. Feliza V. Esguerra, “Sana po hindi ito ang una at huli nating pagkikita sa usapang livelihood. Inaasahan namin sa darating na panahon na isa kayo sa tutulong sa mga kababayan nating nangangailangan.”

image_pdfimage_print