Alamin kung paanong ang dating hindi nakapagtapos ng elementaryang Agta, at hindi nakapagtapos ng sekondaryang Aeta ay naging leader ng kanilang komunidad, at naging inspirasyon sa mga katutubo para bantayan ang kanilang kalusugan, magpatuloy sa pag-aaral, at humakbang tungo sa kaunlaran.
Usaping Pangkalusugan
“Marami po kami [mga katutubo] na naranasang diskriminasyon sa Health Center o ospital man. Twing magpa-check up kami ay hindi po kami pansin ng mga doktor at nurses, halos yaw kaming lapitan, tignan o hawakan,” bahagi ni Nanay Zyrah G. Dela Cruz, 29, Parent-Leader ng mga benepisyaryo ng Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) sa Sitio Dumaguipo, Brgy. Cozo, Casiguran, Aurora.
Aniya, ang mga ganitong karanasan sa pag-abot ng mga pang kalusugang serbisyo ng gobyerno ang natulak ka kanýa na maging kauna-unahang Barangay Health Worker (BHW) sa kanilang lugar. Ninais n’yang manguna sa pagtutugon sa mga pangunahing pangangailang pangkalusungan ng kaniyang mga kapatid na katutubo. Sa mga seminars, trainings, at workshop na patungkol sa kalusugan na kanyang napuntahan ay kanyang binihagi ang mga diskriminasyon na kanilang nararanasan, na nabigyang pansin. Kasabay nito ay ang pagtutok din ni Nanay Zyrah usaping hygiene para sa kanyang mga kapatid na katutubo. Kaya naman, aniyaý tila nagkaroon ng priority lane para sa mga katutubo sa bawat health center at ospital sa kanilang lugar.
Gayunpaman, hindi naging madali ang paglalapit ng pangkalusugang serbisyo ng pamahalaan sa kanilang komunidad. “Bakit kailangan pa nýan, eh nung bata naman tayo hindi natin kailangan ng kung anu-anong tinutusok para maging malusog,” ito ang ilan sa mga naging pahayag ng mga ka-tribo ni Nanay Zyrah, aniya. Ngunit dahil sa walang sawang pagbabahay-bahay at pagpapaliwanag ni Nanay Zyrah, ang mga kapatid nilang katutubo, kalaunaý niyakap din nila ang ang kultura ng palagiang pagpapa-check up, pagpapa-bakuna, at pagbibigay ng vitamins sa mga bata.
Nitong April 6, 2018 ay nagtapos ng elementarya si Nanay Zyrah, sa pamamagitan ng Alternative Learning System, na kanyang nadiskubri sa tulong ng pag-aaral nilang hatid ng MCCT. July 19, 2018, naman ng nakuha na rin niya ang diploma para sa sekondarya. Plano nýa ngayong mag-aral ng Midwifery.
Usaping Pang-edukasyon
Kasabay ng pagtutok ni Nanay Zyrah sa kalusugan ng kaniyang mga kapatid na katutubo, ay sýa namang pagtutok ng kanyang asawa, na si Tatay Jordan M. Dela Cruz, 30, sa pangangailangang pang-edukasyon ng mga katutubo sa kanilang komunidad.
Hindi naging prayoridad ng mga magulang ni Tatay Jordan ang pagpapaaral sa kanilang mga magkakapatid, ganoon pa maý hindi naging hadlang ito upang magsikap siyang maitawid ang pag-aaral ng sekondarya sa isang Open High School sa kanilang bayan. Sa kasalukuyan, siya ay kumukuha ng Bachelor of Science in Education sa Pearl River Community College, sa pamamagitan ng Distance Learning.
“Gusto kong ipakita sa mga magulang ko, sa mga anak ko, at sa mga kapwa ko katutubo na hindi hadlang ang kahirap, ang pagkakaroon ng asawa, pagkakaroon ng pamilya at mayroon ka na ring pinapaaral na mga anak, para makapagtapos din tayong mga magulang ng pag-aaral,” bahagi ni Tatay Jordan.
Bukod sa pagiging Pastor, pagbibigay ng mga ispiritwal na aral, at pagtuturo sa mga katutubong magsulat at magbasa (katuwang ang kaniyang asawa) ay nais ni Tatay Jordan na maging opisyal na guro sa kanilang komunidad.
Sa kasalukuyan, katuwang ang Non-Government Organization (NGO) na One in Christ Movement ay mayroon silang pinasisimulang library project, na aniyaý maglalaman ng katutubong kasuotan at gamitan, kasama ng mga libro at computers, para sa mga katutubo. “Sa ngayon po ay may mga nag-donate na ng libro, susukatin na rin po ang lupang tatayuan ng building ngayon Agosto,” pagmamalaki ni Tatay Jordan.
Usaping Pampamilya, Usaping Pangkomunidad
“Minsan niloloko ako ng mga kapit-bahay namin, mali raw yung nabili kong sabong panlaba, pambabae raw, kasi ako yung nakikita nilang naglalaba. Sa’kin naman, walang kaso ‘yun. Ganoon po talaga ang mag-asawa, natutulungan po dapat talaga,” kwento ni Tatay Jordan.
Kwento niya, siya ang nagpapaligo sa mga bata habang nagluluto naman ng almusal si Nanay Zyrah. Naghahati sila sa lahat ng gawain bahay. Minsan naman, ani Tatay Jordan, nakakasama niyang mangawil at magtabas sa bundok ang kanyang misis.
Walang gawaing pambabae, walang gawaing panglalake, ‘yan ang pinamumulat ng mag-asawa sa kanilang tatlo mga anak na sina Juries, 11, Zyrine Mae, 8, at Jyrah, 5. “Walang diskriminasyon po sa amin, para po sa amin ay walang limitasyon ang kakayahan,” pagbibigay diin ni Nanay Zyrah.
Mayroon ding dalawang scholars ang Pamilya Dela Cruz sina Richard at Andy Estanes, na kung ituring ng mag-asawa ay “anak.” Sinusuportahan nila ang pag-aaral ng mga ito sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang school supplies, pagbibigay ng allowance, at grocery na kanila pang hinahatid sa boarding house ng magkapatid. Magkatuwang ang mag-asawa sa pagsusulong sa pagkakaroon ng mga katutubo ng pagpapahalaga sa pag-aaral, dahil wala pa rin nakakapagtapos ng kolehiyong katutubo mula sa bayan ng Casiguran. Naniniwala rin sila na hindi pa huli ang lahat para sa mga matatadang katutubong nais makapag-aral.
“Napakahalaga po na matuto kaming magbasa—na matuto kaming pahalagahan ang edukasyon,” bahagi ni Nanay Zyrah.
Kaya naman, laging bukas ang bahay ng Pamilya Dela Cruz, para sa lahat, bilang paaralan man o bahay huntahan. “Gusto po naming maging mabuting ehemplo ng aming mga anak, na masaya ang tumulong,” bahagi ni Tatay Jordan.
Sa kasalukuyan, si Tatay Jordan ay isa sa mga kagawad ng kanilang barangay, na nangunguna sa pagpapatupad ng mga bagong programa at proyekto para sa mga katutubo. Nito lamang taong 2017, katuwang ang kanilang Chieftain at ang pamunuuan ng Lalawigan ng Aurora ay nakapagpatayo sila ng isang Multi-Purpose Tribal Hall na pinagdadausan nila ng Cultural Night, meetings, at iba pang kultural at komunidad na gawain.
Isa rin ang Pamilya Dela Cruz sa magigasig na nagsusulong ng pagpre-preserba ng katutubong kultura sa kanilang lugar. “Sa ngayon po kasi tatlo nalang po nagpa-pratice ng katutubong sayaw ng mga Agta. Kaya mahalaga pong magkaroon ng mga aktibidad kung saan masasariwa ng mga katutubo ang kanilang kultura,” bahagi ni Tatay Jordan.
Kung susumahin, ang Pamilya Dela Cruz ay binubuo ng hindi lamang limang miyembro, kundi ng buong komunidad sa kanilang Sitio. Ang kanilang kwento ay hindi lang natatapos sa dalawang magkaibang tribong pinagbuklod ng pagmamahal, kundi ano ang naging bunga ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa at sa sektor na kinabibilangan nila.
#PinoyFamGoals
#DSWDGitnangLuzon
#MayMalasakitSaPamilya
#2018NationalFamilyWeek