Si Mary Ann Pawa ng Brgy. Camachin, Doña Remedios Trinidad, Bulacan ay isang katutubong Dumagat na benepisyaryo ng (noo’y Modified Conditional Cash Transfer o MCCT) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Enhanced Support Services Intervention (ESSI).
Sa tulong ng ESSI ay nagkaroon siya ng pangkabuhayan pandagdag sa pagtatanim ng tambo. Napalago niya ito at ngayon ay umaabot na ng halos 1 ektarya ang kanilang tambuan, kung kaya’t bukod sa tambo ay may tanim na rin siyang kamoteng kahoy, kamoteng baging, gabi, at saging na kanila ring naibebenta.
Dati silang nag-uuling at ngayon dahil sa pagtatambo at pag-aani ay nakapagpundar na ng bahay na bato at nakakapag-ipon. Ang isa niyang anak na si Jerick, dating 4Ps monitored child, ay isa nang ganap na sundalo.
Lubos na nagpapasalamat si Mary Ann sa mga tulong na naihatid ng programa sa kanilang pamilya. Hindi na nila problema ang pagkukuhanan ng kanilang pang-araw-araw na mga pangangailangan.
Ang sambahayan nina Mary Ann ay natukoy nang Level 2 (Substinence) mula sa huling Social Welfare and Development Indicator (SWDI) noong 2024.
Ang ESSI ay naglalayong makapaghatid ng karagdagang proyekto o serbisyo para sa mga benepisyaryo ng 4Ps na naninirahan sa malalayo at mahirap na abuting mga lugar. ##