Noong Mayo 22, 2025, isinagawa ang Barangayan One Stop Shop cum Caravan of Services sa Loma De Gato Covered Court, Marilao, Bulacan, na nilahukan ng 125 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa direktiba ni DSWD Field Office 3 Regional Director Venus F. Rebuldela, na naglalayong mailapit ang mga programa at serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa mga benepisyaryo ng 4Ps upang higit na mapaunlad ang antas ng kanilang pamumuhay.
Mga Serbisyong Naibigay sa mga Benepisyaryo ng 4Ps:
• Beneficiary Update System (BUS)
97 benepisyaryo ang nag-update ng impormasyon tungkol sa paaralan at antas ng baitang ng kanilang mga anak, habang 8 benepisyaryo ang nagdagdag ng bagong miyembro sa kanilang sambahayan.
• Compliance Verification System (CVS)
Nagsagawa ng oryentasyon ukol sa First 1000 Days of Life (F1KD) at I-Registro. Bilang resulta, 13 benepisyaryo (1 buntis at 12 may anak na may edad 0–2 taon) ang matagumpay na nakapagparehistro sa I-Registro portal.
• Financial Management System (FMS)
Nakapagbigay ng impormasyon at solusyon sa 15 benepisyaryo ukol sa kakulangan sa natanggap na cash grants na sanhi ng hindi updated na school facility at grade level ng mga batang mino-monitor.
• Institutional Partnership Development (IPD)
Tinalakay ang kampanya na “Tamang Tulong sa Tamang Impormasyon” upang itaguyod ang tamang daloy ng impormasyon sa hanay ng mga benepisyaryo. Ipinakilala rin ang mga opisyal na Facebook pages ng DSWD at 4Ps bilang pangunahing plataporma para sa tamang impormasyon, bukas na komunikasyon, at inspirasyon. Layunin nito ang pagpigil sa pagkalat ng maling impormasyon o fake news.
• Alternative Learning System (ALS)
Nagsagawa ng oryentasyon ukol sa kanilang programa. 4 na 4Ps Children Not Attending School (CNAS) ang naitala at nakapag-enroll upang muling makabalik sa pag-aaral.
• Municipal Agriculture Office (MAO)
Namahagi ng mga punla (seedlings) sa 125 benepisyaryo at nagbigay ng oryentasyon ukol sa mga pagsasanay sa organic farming, artificial insemination para sa baboy, baka, at kambing, at hydroponic farming.
• Public Employment Services Office (PESO)
Nagbigay ng impormasyon hinggil sa Urgent Job Hiring para sa Service Crew ng Jollibee Food Corporation na gaganapin sa Mayo 22, 2025 sa PESO Municipal Office, at Job Fair sa Hunyo 13, 2025 sa SM Marilao Event Center. 8 benepisyaryo ng 4Ps ang matagumpay na nakapasa sa inisyal na proseso at inaasahang dadalo sa final job interview.
Ang buong aktibidad ay matagumpay na naisakatuparan sa pangunguna ng DSWD Field Office 3 Municipal Action Team (MAT) ng Marilao at Social Welfare and Development (SWAD) Bulacan, Alternative Learning System (ALS), Municipal Agriculture Office (MAO), at Municipal Public Employment Services Office (PESO). ##