Opisyal na inilunsad ang First 1,000 Days (F1KD) Cash Grants ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa DSWD Central Office, Quezon City, ngayong araw, ika-21 ng Pebrero 2025.
Kabilang sa mga aktibidad ay ang commitment signing, payout of F1KD cash grants, at distribution of health kits na kinabibilangan ng mga buntis at batang may edad 0 – 24 months mula sa Quezon City, City of San Jose Del Monte, Bulacan at San Mateo at Montalban, Rizal.
Ang aktibidad ay pinangunahan nina Undersecretary Vilma V. Cabrera ng DSWD Conditional Cash Transfer and Beneficiary Targeting Group (CCTBTG) at Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Undersecretary of Health and the Chief of Staff of the Secretary of Health Gloria Balboa at dinaluhan nina Undersecretary for Policy and Plans Group Adonis Sulit, CESO II, Undersecretary for International Affairs, and Attached and Supervised Agencies (ASAs) Emmeline Aglipay Villar, Undersecretary for Legislative Affairs Fatima Aliah Q. Dimaporo, CCTBG Assistant Secretary Marites M. Maristela, CESO III, Assistant Secretary Elaine Fallarcuna, Assistant Secretary for Regional Operations under the Operations Group Paul D. Ledesma, 4Ps National Program Manager and Director Gemma B. Gabuya, at ng iba’t-ibang mga kinatawan mula sa mga Field Offices kabilang si Assistant Regional Director for Operations (ARDO) ng DSWD Field Office 3 – Central Luzon Armont C. Pecina sa ngalan ni Regional Director Venus F. Rebuldela.
Layunin ng F1KD na mapabuti ang kalusugan, nutrisyon, at pag-unlad ng mga bata sa kanilang unang 1,000 na araw. Ito ay makakatulong na mabawasan ang antas ng malnutrisyon/pagkabansot, mapabuti at mapaunlad ang kamalayan at kahandaan sa paaralan ng mga bata, at mapahusay ang kanilang pangkalahatang kalusugan at kalagayan. ##