Ngayong araw, Oktubre 3, 2024, naghatid ng mga produkto at pagkain ang Tarlac Okra Growers Multipurpose Cooperative (MPC), isang community-based organization (CBO) sa ilalim ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Program, sa Tarlac Home for Women.

Ang kooperatiba ay nakapag-supply ng mga pagkain sa mga Centers and Residential Care Facilities ng DSWD gamit ang Negotiated Procurement-Community Participation (NP-CP) na pamamaraan ng procurement. Ang mekanismong ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa maliliit na kooperatiba at negosyo na makibahagi sa bidding para sa mga produktong agrikultural, pangisdaan, at iba pang produkto, na direktang binibili mula sa kanila.

 

Layunin ng EPAHP Program ay ikonekta ang mga CBO sa merkado para suportahan ang ekonomiya at labanan ang gutom at kahirapan. Ang unang paghahatid ng Tarlac Okra Growers MPC ay isang mahalagang hakbang, habang patuloy ang EPAHP sa paglikha ng oportunidad para sa mga kooperatiba at maliliit na negosyo na magtaguyod ng kabuhayan at sustenableng pag-unlad. ##