Sa pangunguna ni DSWD Field Office 3 Regional Director Venus F. Rebuldela, opisyal na isinagawa ang makabuluhang Signing of MOA kasama ang Mother Teresa of Calcutta Medical Center.
 
Dumalo sa mahalagang okasyong ito sina DSWD Field Office 3 Assistant Regional Director for Administration Maribel M. Blanco, OIC-Division Chief ng Human Resource Management and Development Division na si Jennifer Campang-Morales, Pangulo ng Mother Teresa of Calcutta Medical Center na si Mr. Hector R. Pagalilauan, Vice President for Finance and Operations na si Atty. Michael S. Lansangan, at Social Service Supervisor na si Liezel De Ocera-Calilung, upang pagtibayin ang kasunduang magbibigay daan sa mas mabilis at mas malawakang serbisyong medikal para sa mga nangangailangan.
 
Ang kasunduang ito ay parte ng adbokasiya ng ahensya na Caring for the Carers na naglalayong bigyan ng mas maayos na pangangalaga sa mga kawani ng Field Office 3 – Central Luzon.