Ngayong araw, September 20, 2024, ginanap ang Inauguration of the Newly Constructed Cottage of the Regional Rehabilitation Center for Youth (RRCY) sa Magalang, Pampanga.
 
Ito ay pinangunahan ni Regional Director Venus F. Rebuldela kasama ng mga kawani ng ahensya at dinaluhan ng mga opisyal ng National Training School for Boys ng DSWD CALABARZON sa pangunguna ng kanilang Center Head Joanna Hizon na nagsilbing mentor ng RRCY sa kanilang Mirroring, Mentoring & Coaching (MMC) for Centers.
 
Mensahe naman ni RD Venus sa mga residente ng center, “Kayo po ay importante sa amin. Kayo po ay itinuturing na pamilya ng DSWD. Kami po ang tumatayong pangalawang magulang ninyo habang kayo ay nasa aming pangangalaga.”
 
Ang RRCY ay isa sa pitong (7) Centers and Residential Care Facilities (CRCF) ng DSWD Field Office 3 – Central Luzon. Ito ay nagsisilbing pansamantalang tahanan ng mga children in conflict with the law (CICL). Ang bagong cottage ay magsisilbing dagdag na pasilidad para sa mga residente ng RRCY. Isang halimbawa lamang ito ng commitment ng DSWD Field Office 3 – Central Luzon upang makamit ang center for excellence.