Idinaos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KALAHI-CIDSS KKB) ang Program Launching at Municipal Orientation sa Siyudad ng Olongapo City.

Sa ngalan ni DSWD Regional Director Venus F. Rebuldela dinaluhan ito ng Regional Program Coordinator ng KALAHI-CIDSS, Aladin L. Naje, katuwang ang mga opisyal ng Siyudad ng Olongapo na pinangunahan ni City Mayor Rolen C. Paulino Jr., mga kawani ng Local Government Unit, at mga kinatawan mula sa 17 na barangay.

 

Hinighlight sa aktibidad ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing, Pagbibigay ng Orientation sa programa, at pagbibigay ng suporta sa stratehiya ng KALAHI-CIDSS na CDD.

Kasunod ng programa ay magkakaroon ng barangay meeting para masimulan ang paghalal/pagpili ng mga community volunteers na tuturuan at ie-empower upang makatulong sa pagpapatupad ng programa.

 

Ang KALAHI-CIDSS KKB ay gumagamit ng stratehiya na Community Driven Development (CDD) na naglalayon na bigyang pagkakataon ang mga komunidad na magdesisyon, magplano, at magbigay priyoridad ng mga problema sa barangay na patunay sa pagkakaroon ng pagbabago at kaunlaran sa kanilang mga komunidad

####