Sa pangunguna ng kalihim ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad ng Lipunan na si Secretary Erwin T. Tulfo, ibinahagi ang 3.5 milyong pisong ayuda sa mga Aeta at Sama Bajao mula Angeles at Mabalacat City, Pampanga kung saan 500 na katutubo ang nakatanggap ng P10,000 bawat isa. Samantalang, 354 na mga benepisyaryo ang nabahagian mula sa Mabalacat City at Angeles City. 

Ayon sa kalihim, ang tulong na ito ay hindi limos kun’di bahagi ng serbisyo ng pamahalaan na naglalayong makatulong sa kanilang pangkabuhayan. Dadag pa niya, ang hakbang na ito ay bahagi ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sama-samang pag-ahon ng mga Pilipino mula sa pandemya.

Nagkaroon rin ng diyalogo kasama ang mga opisyales ng dalawang lokal na pamahalaan at mga lider ng mga nasabing katutubo. Isinangguni ng mga Tribal Chieftains ang kanilang pangangailangan ng farm-to-market roads at lugar kung saan nila maaaring ibenta ang kanilang mga produkto.

Alinsunod sa direktiba ng kalihim, siniguro ni DSWD Regional Director Jonathan V. Dirain na makikipagtulungan ang Departamento sa lokal na pamahalaan at iba pang ahensya katulad ng National Commission on Indigenous People o NCIP para sa proyektong magbubunga ng pangmatagalang solusyon.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga katutubo sa kanilang natanggap na tulong mula sa DSWD. 

Kasama sa aktibidad na ito ay ang iba pang opisyal ng DSWD Central Office na sina USec. Denise B. Bragas, USec. Sally Navarro, ASec. Irene B. Dumlao, Asec. Rommel Lopez, at Dir. Marlouie Solima, narron din si DSWD Region 3 Assistant Regional Director for Operations Vens F. Rebuldela. 

Dinaluhan din ito nina Mabalacat City Mayor Crisostomo C. Garbo, Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr., kasama ang mga represantante ng mga IP na sina Tribal Chieftain Roque Laxamana at mga kawani mula sa Philippine Statistics Authority (Eina Ruth F. Casasola at Marlene G. Vergara), National Commission on Indigeneous People (Atty. Roman A. Antonio, Philip Salvador P. Acuña, at Dr. Emma Dionisio), Philippine National Police Region 3 (PLt.Col Luis P. Liban at PLt. Noralyn L. Awadi), Technical Education And Skills Development Authority (Gener Nicolas Jr. at Ethel Joy Pangilinan), at Department of Interior and Local Government (Atty. Charmaine Jacqueline I. Paulino). ###