LICAB, NUEVA ECIJA – Opisyal nang inilipat ang  12 Sub Projects ng KALAHI-CIDSS sa 11 barangay sa Nueva Ecija. Ang mga ito ay may kabuuang Php 7,986,515.26 kung saan P7,500,000.00 ang naibahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region III, habang P486,515.26 naman ang  nagmula sa mga barangay.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Regional Director Jonathan V. Dirain ng DSWD Region III. 

Binigyan diin ni Dir. Jonathan V. Dirain ang malaking parte ng Community Volunteers sa matagumpay na mga proyekto. “Ang talagang bida po dito ay ang mga community volunteers. Di po matatapos to kun’di po sa inyong dedikasyon at sa inyong pangarap na magkaroon ng proyekto.” 

Nagpasalamat sa DSWD Region 3 si Alma A. Candelaria, Barangay Sub Project Management Committee (BSPMC) Chairman ng Brgy. Sta. Maria,  “Bilang isang BSPMC Chairman nangangako po kami na pangangalagaan po namin ang proyektong inihandog ng KALAHI-CIDSS dito sa Brgy. Sta. Maria at sana po ‘di po ito ang una’t huling proyektong ipagkakaloob ng KALAHI-CIDSS sa aming barangay.”

Ito ay dinaluhan rin ni Assistant Regional Director for Operations Venus F. Rebuldela, at iba pang kawani ng ahensya at ng lokahan na pamahalaan ng Licab.

Layunin ng programa sa tulong ng estratehiyang Community Driven Development (CDD) na magkaroon ng progresibo at epektibong pamamahala sa komunidad. Sa kasalukuyan, patuloy parin ang pag-gabay  at pag-monitor ng mga kawani ng KALAHI-CIDSS sa pag kumpleto ng database, at Sub-Project Completion Report (SPCR) sa mga barangay ng Licab.

 

Listahan ng Approved Sub-Projects:

Barangay Sub-Project Title Total Project Cost KALAHI-CIDSS Grant Local Counterpart Contribution
Aquino Construction of Level I Water Supply Php 723,545.88 Php 669,102.13 Php 54,443.75
San Casimiro Construction of Level I Water Supply Php 585, 158.91 Php 547,109.86 Php 38,049.05
Purchase of DOH Approved Medical Tools, Equipments, and Supplies for COVID-19 Emergency Response Php 295,323.96 Php277,654.25 Php 17,669.71
Linao Purchase of DOH Approved Medical Tools, Equipments, and Supplies for COVID-19 Emergency Response Php 422,522.65 Php 392,162.65 Php 30,360.00
Poblacion Norte Purchase of DOH Approved Medical Tools, Equipments, and Supplies for COVID-19 Emergency Response Php 348,164.52 Php 314,919.52 Php 33,245.00
Tabing-Ilog Purchase of DOH Approved Medical Tools, Equipments, and Supplies for COVID-19 Emergency Response Php 282,886.85 Php 269,746.85 Php13,140.00
Poblacion Sur Concreting of Barangay Road Php 702,545.05 Php 649,952.30 Php 52,592.75
Villarosa Concreting of Barangay Road Php932,414.49 Php 875,199.49 Php57,215.00
San Cristobal Construction of Drainage Canal Php 928,547.26 Php 897,042.26 Php31,505.00
San Jose Construction of Drainage Canal Php484,119.04 Php 440,884.04 Php 43,235.00
San Juan Construction of One Unit Barangay Isolation Facility Php1,049,039.04 Php989,239.04 Php 59,800.00
Sta. Maria Construction of One Unit Barangay Isolation Facility Php1,232,247.61 Php1,176,987.61 Php55,260.00
Total (Php) 7,986,515.26 7,500,000.00 486,515.26

 

 ###