Kasunod ng Barangayan One Stop Shop cum Caravan of Services na ginanap noong nakaraan sa mga bayan ng Marilao at Norzagaray sa Lalawigan ng Bulacan, nagkaroon muli ng parehong aktibidad noong Mayo 23, 2025, na isinagawa sa Northridge Executive Village Covered Court, Brgy. Sto. Cristo, City of San Jose del Monte, Bulacan, kahapon, Mayo 26, 2025, sa Batasan Bata Covered Court sa San Miguel, Bulacan, at ngayong araw, Mayo 27, 2025 sa Brgy. Binagbag, Angat, Bulacan.
Layunin nitong mailapit ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Pinangunahan ng DSWD Field Office 3 sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Venus F. Rebuldela, dinaluhan ito ng 244 na benepisyaryo sa City of San Jose del Monte at 669 benepisyaryo sa San Miguel na masigasig na tumanggap ng libreng serbisyo para sa kanilang kabuhayan, kalusugan, at kapakanan.
Layunin ng Barangayan:
Iangat ang antas ng pamumuhay ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng direktang pagkakaloob ng mga serbisyong gobyerno sa isang lugar, sa isang araw — mabilis, tapat, at makatao.
Mga Serbisyong Hatid ng Iba’t Ibang Ahensya:
Public Employment Services Office (PESO)
• On-the-spot job hiring ng iba’t ibang kumpanya
• 36 (CSJDM) at 88 (SM) benepisyaryo ang agad na natanggap sa trabaho (Hired-On-The-Spot)
• 44 benepisyaryo (CSJDM) ang nairefer sa iba pang posibleng trabaho at 3 benepisyaryo (Angat) ang nairefer sa SM Baliuag
• 100 benepisyaryo (SM) ang sinanay sa paggawa ng dishwashing liquid at hilot massage
Beneficiary Update System (BUS)
• 86 (CSJDM), 76 (SM) at 5 (Angat) benepisyaryo ang nag-update ng edukasyonal na datos ng kanilang anak
• 35 (CSJDM), 150 (SM), at 5 (Angat) benepisyaryo ang nadagdagan ng miyembro sa household
Compliance Verification System (CVS)
• 18 (CSJDM), 74 (SM), at 2 (Angat) benepisyaryo (89 na may 0-2 years old na bata at 5 buntis) ang matagumpay na nakarehistro sa portal
• Naglunsad ng oryentasyon sa First 1000 Days of Life (F1KD) at i-Registro.
Financial Management System (FMS)
• 18 (CSJDM) benepisyaryo ang nabigyan ng solusyon ukol sa kakulangan ng cash grants bunsod ng hindi updated na school records
• 3 (Angat) benepisyaryo ang nabigyan ng solusyon sa isyu sa kanilang cash cards
• 89 (SM) benepisyaryo ang nabigyan ng solusyon sa hindi pagtanggap ng cash grants dahil sa outdated school records.
Institutional Partnership Development (IPD)
• Ipinakilala ang kampanya ukol sa Tamang Tulong sa Tamang Impormasyon (3TI) at opisyal na Facebook pages ng DSWD at 4Ps upang labanan ang mga maling impormasyon.
Alternative Learning System (ALS)
• 28 kabataang CNAS (Children Not Attending School) (SM) ang na-enroll at makakabalik sa pormal na edukasyon
• 8 (CSJDM) at 7 (Angat) ang naitala at muling makakapasok sa pormal na edukasyon
Day Care / Early Childhood Education (ECCD)
• 9 benepisyaryo ang nakapagpa-enroll ng kanilang anak (edad 2–4) sa maagang edukasyon.
Philippine Red Cross – Bulacan Chapter
• 17 (CSJDM), 116 (SM), at 18 (Angat) benepisyaryo ang kumuha ng Social Insurance laban sa sakuna at aksidente
City Youth and Sports Development Office (CYSDO)
• Nagbahagi ng impormasyon ukol sa scholarship grants para sa mga incoming college freshmen.
• 44 benepisyaryo ang nakapagpalista para sa naturang benepisyo.
City/Municipal Health Office (C/MHO)
• 48 (CSJDM) at 56 (SM) benepisyaryo ang naserbisyuhan ng konsultasyon, BP monitoring, at blood testing referrals
• 86 (CSJDM) at 115 (SM) benepisyaryo ang nakatanggap ng libreng mga gamot
• katuwang ang Generika para sa libreng blood pressure checking para sa 5 benepisyaryo (Angat)
Philippine Statistics Authority (PSA)
• 115 benepisyaryo (SM) ang nakapagparehistro sa Philippine National ID system (PhilSys Transaction Slip at Issuance of ID)
Municipal Nutrition Office (MNO)
• 170 benepisyaryo (SM) ang nakatanggap ng libreng iodized salt, iron-fortified rice, vitamin-A juice at champorado, at mga IEC materials hinggil sa 10 Kumainments
City/Municipal Environment and Natural Resources Office (C/MENRO)
• 364 benepisyaryo ang nabigyan ng seedlings (sili at talong) para sa bio-intensive gardening na maaring makatambal ng kanilang rice subsidy grants.
• 7 benepisyaryo ang nakapagbakuna sa kanilang alagang aso laban sa rabies
• 129 benepisyaryo ang lumahok sa “Pera Palit Basura” program (P2/kilo sa mga plastic bottles)
Commission on Population and Development (CPD, dating POPCOM)
• Oryentasyon sa family planning (22 benepisyaryo mula sa Angat), na sinabayan ng pamamahagi ng 24 contraceptive pills at 96 boxes ng condoms
Cebuana Lhuiller (Angat)
• 37 benepisyaryo ang nagkaroon ng new microsavings accounts
Social Security System (SSS) Angat
• 38 account applications, inquiries, and assistance in retrieving forgotten SSS numbers
Ang Tagumpay sa Sama-samang Paglilingkod Barangayan ay isinakatuparan sa tulong ng DSWD Provincial Operations Office 2 – SWAD Bulacan, katuwang ang City Action Team ng City of San Jose del Monte, Municipal Action Team (MAT) ng San Miguel at Angat, ALS, C/MHO, PESO, Philippine Red Cross – Bulacan Chapter, C/MENRO, POPCOM, C/MNO, C/MAO, PSA, PAG-IBIG, SSS, at Cebuana Lhuillier. ##