Matapos ang opisyal na pagpirma ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng DSWD Field Office 3 – Central Luzon at ng Global Peace Foundation Philippines noong Marso 7, 2025, isinagawa naman ang Social Preparation, Partnership Program Preparation, Needs Assessment, at Visioning Workshop sa mga piling 4Ps beneficiaries noong Marso 18 – 19, 2025 at ang Turnover Ceremony of Solar Lamps and Solar Streetlights sa Sitio Singawan, Barangay Umiray sa Dingalan, Aurora.

Link: https://fo3.dswd.gov.ph/2025/03/global-peace-foundation-philippines-naghatid-ng-liwanag-sa-mga-benepisyaryo-ng-4ps-sa-aurora/

 

Nitong Abril 7, 2025 ay isinagawa naman sa Mayantoc, Tarlac ang pagpupulong para pag-usapan ang AllLights Village na isasagawa sa nasabing bayan.

Ang proyektong nabanggit – AllLights Village ng Global Peace Foundation Philippines ay magbibigay ng 10 Solar Street Lights para sa sa isang komunidad na wala pang mga ilaw at kuryente, Pedestal Marker, at 100 na Solar Lamps para sa mga benepisyaro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na walang kuryente sa komunidad.
Ang layunin ng programang ito ay para mapalago at mapaunlad ang pamumuhay ng mga pamilyang Pilipino na nabibilang sa tinatawag na off-grid communities.
Ang nasabing pagpupulong ay labis na ikinatuwa ng Lokal na Pamahalaan ng Mayantoc, at dahil dito ay agarang ipinag-utos na magsagawa ng ocular survey sa Sitio Kamanggaan, Brgy. Nambalan upang tignan kung saan maaaring itayo o ilagay ang mga Solar Street Lights at ang Pedestal Marker.
Kasunod ng naisagawang pagpupulong, nitong ika-14 ng Abril 2025, ay muling nagtungo si Ms. Jocelyn Remigio kasama sina ms. Daisy Madrid, Provincial Link ng SWAD Tarlac at Mr. Marlo Pulmano, IPDO ng SWAD Tarlac upang ibigay ang 10 Street Lights, Pedestal Marker, at ang 100 Solar Lamps sa Lokal na Pamahalan ng Mayantoc.
Ang nasabing turnover ay malugod naman na tinanggap at napagusapan na din sa oras na iyon ang Grand Launching o MOA Signing na isasagawa sa ika-23 ng Abril 2025.
Ang isasagawang proyektong ito ng Global Peace Foundation Philippines katuwang ang DSWD Field Office 3 SWAD Tarlac 4Ps at ng Lokal na Pamahalaan ng Mayantoc ay makakatulong hindi lamang sa mga benepisyaro ng 4Ps kundi sa lahat ng naninirahan sa Brgy. Nambalan, Mayantoc, Tarlac.
Noong ika-21 ng Mayo 2025 sa San Jose, Tarlac, ay isinagawa naman ang ocular survey sa Sitio Pisapungan (Sablayan), Brgy. Sula kasama ang mga opisyal ng Brgy. Sula kasama ang Tribal Leader ng nasabing Sitio.
Ito ay kasunod ng isinagawang pagpupulong sa pagitan ng ahensya at GPFP noong ika-5 ng Mayo 2025, upang pag-usapan ang isasagawang All-Lights Village.
Magbabahagi ng 10 Solar Street Lights ang GPFP para sa isang komunidad na wala pang mga ilaw at kuryente, Pedestal Marker, at 100 na Solar Lamps para sa mga benepisyaro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na walang kuryente sa komunidad.
Layunin ng proyektong ito na mapalago at mapaunlad ang pamumuhay ng mga pamilyang Pilipino na nabibilang sa tinatawag na off-grid communities at ang pagpapaunlad ng isang komunidad mula sa mahirap na kalagayan tungo sa maunlad at maayos na komunidad.
Ang isasagawang proyekto ay makakatulong hindi lamang sa mga benepisyaryo ng 4Ps kundi pati na rin sa ibang naninirahan sa sitio.
Ito ay parte ng tugon sa identified Social Welfare and Development Indicator (SWDI) gap na access to lighting facility na kabilang sa unang phase ng implementasyon. Matapos ito ay ang pagkakaroon ng Community Learning Center kung saan ay makakapag-aral at matututo hindi lamang mga bata kundi pati na rin ang mga matatanda, at ang paghuling proyekto ay ang pagkakaroon ng Sustainable Community Livelihood Programs na magbibigay ng mga skills at resources upang mapanatili ang kanilang mga pag-unlad at bumuo ng isang matatag na hinaharap.##