Isinagawa ang “Employment Driven Training for Level 3 Beneficiaries of Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayong araw, Mayo 27, 2025 na dinaluhan ng 35 beneficiaries sa Dinalupihan, Bataan.
Pinangunahan ang aktibidad na ito ng DSWD Field Office 3 Municipal Action Team at Local Government Unit at ang DSWD Field Office 3 Social Welfare and Development (SWAD) Bataan sa pangunguna ni 4Ps Provincial Link, Ms. Elena Dones.
Nilalayon ng aktibidad na bigyang husay at kaalaman ang Level 3 beneficiaries sa tama at naaangkop na paggawa ng résumé/curriculum vitae, pagsagot sa job interviews at pagsusuot ng tamang kasuotan sa paghahanap ng trabaho at ang mga trusted online website for job application gayundin ang iba’t ibang uri ng bulletin boards kung saan sila maaaring makahanap ng trabaho na aakma sa kanilang kakayahan.
Dagdag pa sa nasabing aktibidad, nagbigay kasiguraduhan si Ms. Dones na sa pamamagitan ng naisumite nilang résumé mula sa naganap na workshop, magkakaroon ng konkretong ideya ang SWAD staff kung saan sila dapat mairefer para sa tiyak ng trabaho na aangkop sa kanila.
Sa naging masiglang pakikibahagi ng mga benepisyaryo—sa talakayan man o workshop, tiyak na marami ang baon nilang kaalaman sa pagtatapos ng aktibidad. ##