Isinagawa noong Mayo 22, 2025 ang Corporate Social Responsibility (CSR) Day kung saan mahigit 40 bata mula sa iba’t ibang barangay ng Baliuag ang nagtipon-tipon para sa isang espesyal na araw ng pagtulong, kasiyahan, at pag-asa na pinangunahan ng SM Store Baliuag.
Ang CSR Day o FunDay ay isang inisyatibo ng SM Store Baliuag na may pangunahing layunin na makapagbahagi ng mga kagamitan sa mga mag-aaral bilang adbokasiya at suporta sa kanilang edukasyon. Kaugnay rito, nagpamigay ang SM Store Baliuag ng mga school supplies na maaaring magamit ng mga kabataan sa papalapit na pasukan, ilan sa mga supplies ay naglalaman ng lapis, papel, notebook, pantasa, pandikit, envelope, art kits, at marami pang iba.
Naging matagumpay ang aktibidad sa pakikipagtulungan nina Ms. Jo Anne Sauco at Mr. Jake Samen – Branch Manager ng SM at mga kawani ng DSWD Field Office 3 4Ps. ##