Isinagawa noong Mayo 22, 2025, ang Barangayan One-Stop Shop cum Caravan of Services sa Antonia Heights Covered Court na nilahukan ng 89 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na tumanggap ng iba’t ibang programa at serbisyo mula sa national at local government agencies.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ng DSWD Field Office 3, sa ilalim ng direktiba ni Regional Director Venus F. Rebuldela, bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap na mailapit sa mga benepisyaryo ang mga serbisyong makatutulong upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan at kalidad ng pamumuhay.
Mga Serbisyong Ipinagkaloob:
Beneficiary Update System (BUS)
• 24 benepisyaryo ang nag-update ng impormasyon sa edukasyon ng kanilang mga anak.
• 29 benepisyaryo ang nagdagdag ng bagong miyembro sa kanilang sambahayan.
Compliance Verification System (CVS)
• Nagsagawa ng oryentasyon ukol sa First 1000 Days of Life (F1KD) at I-Registro.
• 14 benepisyaryo (14 may anak na 0–2 taong gulang) ang matagumpay na nakapagparehistro.
Financial Management System (FMS)
• 20 benepisyaryo ang natulungan sa isyu ng kulang o naantalang cash grants sanhi ng outdated na school records.
Institutional Partnership Development (IPD)
• Tinalakay ang kampanyang “Tamang Tulong sa Tamang Impormasyon,” at ipinakilala ang mga opisyal na Facebook pages ng DSWD at 4Ps bilang mapagkakatiwalaang pinagmumulan ng impormasyon.
• Layunin nitong labanan ang paglaganap ng maling impormasyon at fake news.
Alternative Learning System (ALS)
• 5 4Ps Children Not Attending School (CNAS) ang naitala at agad na na-enroll upang makabalik sa pag-aaral.
Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)
• Nagsagawa ng oryentasyon hinggil sa karapatan ng kababaihan at programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
• 37 benepisyaryo ang nakatanggap ng medical assistance.
Rural Health Unit (RHU)
• Naghatid ng serbisyong medikal sa 89 benepisyaryo kabilang ang BP check, pagtimbang, at pagbibigay ng gamot.
Public Employment Service Office (PESO)
• Nagbigay ng impormasyon ukol sa TUPAD, skills training, employment facilitation, at Government Internship Program (GIP).
• 12 benepisyaryo ang napabilang sa waiting list para sa mga nasabing programa.
Public Attorney’s Office (PAO)
• 5 benepisyaryo ang nabigyan ng legal na opinyon ukol sa kanilang mga personal na suliranin.
Philippine Red Cross – Bulacan Chapter
• Nagsagawa ng oryentasyon tungkol sa kanilang Social Insurance Program (₱60 para sa edad 3–25, at ₱150 para sa edad 26–65).
• 10 benepisyaryo ang agad na kumuha ng insurance bilang bahagi ng pagsagot sa Social Insurance Gap ng 4Ps SWDI.
Ang buong aktibidad ay naisakatuparan sa pangunguna ng DSWD Field Office 3 Municipal Action Team (MAT) ng Norzagaray at Social Welfare and Development (SWAD) Bulacan at sa tulong ng mga katuwang ng ahensya; ALS, MSWDO, PESO, PAO, POPCOM, MNO, RHU, at Philippine Red Cross – Bulacan Chapter.
Ang Barangayan ay patunay na kapag nagkakaisa ang mga ahensya ng pamahalaan, naihahatid ang serbisyong tapat, mabilis, at makatao sa mga nangangailangan. ##