Isinagawa ngayong araw, Mayo 30, 2025, sa Barangay Palanginan Covered Court, Iba, Zambales, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Skills Enhancement Training na pinangunahan ng DSWD Social Welfare and Development (SWAD) Zambales – Municipal Action Team Iba, katuwang ang President Ramon Magsaysay State University – Extension Services Unit (Iba Campus).
Layunin ng aktibidad na bigyan ng karagdagang kaalaman at kasanayan ang mga 4Ps beneficiaries upang mapalawak ang kanilang oportunidad sa kabuhayan. Dalawang teknikal na pagsasanay ang isinagawa:
– Basic Engine Repair and Maintenance na dinaluhan ng 25 kalahok (3 lalaki, 22 babae)
– Basic Household Appliance Repair and Maintenance na nilahukan ng 23 kalahok (1 lalaki, 22 babae).
Ang mga benepisyaryo ay sasailalim sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Assessment Center upang magkaroon ng National Certification.
Ang ganitong klase ng interbensyon at kolaborasyon ay mahalaga sa patuloy na pag-unlad ng kabuhayan ng mga 4Ps households. Sa pamamagitan ng pagsasanay, nagkakaroon sila ng dagdag na kasanayan na maaaring gamitin sa paghahanapbuhay at sa pagiging mas produktibong miyembro ng komunidad. ##