Noong Disyembre 12, 2024, pormal na pinirmahan ang Data-Sharing Agreement sa pagitan ng DSWD Field Office 3 – Central Luzon at ng United Nations World Food Programme (UN-WFP) upang mas mapalakas ang pamamahagi ng cash assistance para sa mga sambahayang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nasalanta ng bagyong Pepito.

Ito ay pinangunahan ni DSWD Field Office 3 – Central Luzon Regional Director Venus F. Rebuldela kasama sina Assistant Regional Director for Operations Armont C. Pecina, Financial Management Division Chief Keisha M. Nguyen, at WFP Program Policy Officer Kristian Harold Javier.

Layunin nitong mas mapabuti ang kasalukuyang isinagawang response operations sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa UN-WFP sa listahan ng 4Ps beneficiaries – kasama ang kanilang personal at bank account na impormasyon. Dahil dito, direktang ipapasok ang cash assistance na nagkakahalaga ng Php 6,700.00 sa mga bank accounts ng mga benepisyaryo.

Kasunod nito, noong Pebrero 14, 2025, isinagawa naman ang Courtesy Meeting sa pagitan ng UN-WFP katuwang ang Jaime V. Ongpin Foundation at DSWD Field Office 3 – Central Luzon.

Layunin nitong kumustahin ang mga benepisyaryong nakatanggap at upang suriin ang naging epekto ng natanggap na cash assistance. ##