Olongapo City – Sa ilalim ng programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), matagumpay na naisagawa ang isang makasaysayang turnover ceremony sa Olongapo City. Sa tulong ng mga community volunteers, lokal na pamahalaan, at barangay captains, naisakatuparan ang proyektong naglalayong itaas ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan at maghatid ng tunay na kaunlaran sa komunidad.

Pinangunahan ng DSWD, sa pamumuno ni Secretary Rex T. Gatchalian, ang opisyal na turnover ng isang mahalagang proyekto na nagkakahalaga ng mahigit ₱10 milyon:

  • Construction of Two-Storey Early Child Development Center sa Barangay Pag-Asa, na may kabuuang halaga na ₱10,050,000.00

Dinaluhan ang blessing at turnover ceremony ng mga opisyal ng DSWD, kabilang sina Deputy National Program Manager for Operations Director Rolando D. Villacorta Jr. at ng Regional Director Field Office 3 – Central Luzon Venus F. Rebuldela sa pamamagitan ng mga staff ng KALAHI Regional Program Management Office. Dumalo rin si Mayor Atty. Rolen C. Paulino Jr. ng Olongapo City, at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan. Pinarangalan ang okasyon ng presensya ni Senador Maria Imelda Josefa Remedios “Imee” Marcos-Manotoc, na nanguna sa ribbon-cutting at pormal na turnover ng proyekto.

Hon. Senator Imee Marcos – “Ang KALAHI-CIDSS ang napiling mapondohan sa budget na ito dahil sila ang nagbibigay ng tulong sa iba’t ibang komunidad na pumili ng sarili nilang project kung saan kinukonsulta ang barangay, ang komunidad. Ang Kalahi Cidss , maganda kasi yan e, iba iba kasi ang proyekto dyan , kung ano ang kailangan ng komunidad. Kumbaga its community driven hindi yung sinasabihan sila kung ano ang gusto nila, dito kung ano ang talagang kailangan. Kaya maganda siyang programa dahil nagkakaroon ng self governance at self determination. Dahil mataas ang bilang bata mga sa barangay, kung makikita natin halos 215 na bata ang ineexpect na papasok sa susunod na taon kasama ang mga child with disabilities . Magiging malaking tulong ito sa mga tao sa barangay. Congratulations!”

 

Sa seremonya, itinampok ang makabuluhang kwento ng tagumpay ng mga community volunteers, na naging pangunahing inspirasyon at haligi ng mga programang naisakatuparan. Ang kanilang dedikasyon, sakripisyo, at aktibong pakikilahok sa bawat yugto ng pagpaplano at implementasyon ay patunay sa bisa ng Community-Driven Development (CDD) approach na naglalayong bigyang-kapangyarihan ang mga mamamayan upang maging bahagi ng solusyon sa kanilang mga pangangailangan.

Nagbigay din ng mensahe si Dir. Villacorta,  “Ang ECDC na bubuksan today ay hindi lang isang facility , it is a sanctuary for learning, growth and community engagement para sa ating kabataan na magiging future leader ng community. As we finally turn over this facility to the people of barangay and Barangay Pag asa We entrust into your care and stewardship.May this center be a oblivion of progress, unity and inspiration for the generations to come. Congratulations to everyone. Mabuhay ang barangay pag-asa, Mabuhay ang KALAHI-CIDSS.”

Ang pangunahing layunin ng KALAHI-CIDSS, ay mapataas ang kalidad ng serbisyong publiko at mabigyan ng mas malawak na partisipasyon ang mga mamamayan sa mga proseso ng pagdedesisyon, pagpaplano, pagbabadget, at implementasyon ng mga programang direktang tumutugon sa kanilang pangunahing pangangailangan, partikular sa mga komunidad na higit na nangangailangan.

####