Sa pangunguna ni DSWD Field Office 3 Regional Director Venus F. Rebuldela, opisyal na ginanap ang Ceremonial Memorandum of Agreement Signing sa pagitan ng DSWD Field Office 3, Cebuana Lhuillier Bank, at Avon TGV General Merchandise and Services. Ang makabuluhang pagtutulungan na ito ay naglalayong mapalawak pa ang mga serbisyong maibibigay sa ating mga benepisyaryo.
 
Dumalo sa okasyong ito sina Cebuana Lhuillier Bank President Mr. Dennis O. Valdez, Ms. Lorna Z. Teczon, Head ng Product and Channels Management Division ng Cebuana Lhuillier Bank, at mga Senior Executive Leaders ng Avon TGV General Merchandise and Services, Mrs. Thelma G. Guevarra at Mr. Lordie C. Guevarra.
 
Nagbigay ng mensahe si Director Venus F. Rebuldela, “We are inking now our partnership. We hope that it will be a sustainable partnership. We are looking forward to it and we hope that this is only the start of our working relationship. We’re happy that you’ve chosen DSWD as your partner. Maraming salamat po!”
 
Sa pamamagitan ng ganitong mga pakikipag-ugnayan, patuloy na pinalalakas ng DSWD ang adhikain nitong makapaghatid ng serbisyo sa mga nangangailangan, katuwang ang iba’t ibang ahensya at kumpanya para sa bayan.