Ginanap ang 2024 Regional Search for Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Exemplary Child ngayong araw, September 27, 2024 sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga.
Nagpamalas ng iba’t-ibang talento at talas ng isipan ang mga batang kalahok na naging basehan upang matukoy ang itinanghal na kampyeon.
Si Kate Chloe O. Cañega mula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ang itinanghal na Grand Winner na sinundan ni Juvie Mae O. Mando mula sa Dipaculao, Aurora na itinanghal na 1st runner-up at si Chelsie Ann DC. Banquiles mula sa Sta. Maria, Bulacan naman ang itinanghal na 2nd runner-up.

Ang tatlong batang nagwagi ay makikilahok sa gaganaping National Children’s Congress sa darating na Nobyembre.

Ang lahat ng kalahok ay nag-uwi ng consolation prize na nagkakalahaga ng Php 2,000, Php 5,000 para sa 2nd runner-up, Php 8,000 para sa 1st runner-up, at ang itinanghal na grand winner naman ay nag-uwi ng Php 10,000. #