Naisakatuparan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3 – Central Luzon sa pamamagitan ng programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) ang Groundbreaking Ceremony para sa konstruksyon ng multi-Purpose Hall na may kabuuang halaga na tig-₱10 milyon sa mga bayan ng Guiguinto at Balagtas, Bulacan.

Sa pangunguna ni DSWD Field Office 3 Regional Director Venus F. Rebuldela, dinaluhan ito ni Community Procurement Officer III Katrina Karen D. Sarmiento, katuwang ang mga local chief executives’ ng Guiguinto at Balagtas, department heads, kasama ang mga masisipag na community volunteers.

Hangarin ng programa na di lamang ang sub-projects ang mahighlight sa implementasyon kundi ang mga community volunteers na nagpapagod at nagbibibgay ng higit na oras para maisakatuparan ang kanilang proyekto katuwang ang Barangay at ang Munisipyo.

Ipinahayag ni Mayor Eladio E. Gonzales Jr. ng Balagatas ang kanyang pasasalamat, “Ang proyektong ito ay hindi lamang pakikinabangan ng Barangay Burol 1st kundi pati na rin ang mga kalapit nitong barangay.”

Nagbigay din ng kanyang mensahe si Mayor Agatha Paula A. Cruz ng Guiguinto, na nagsabing, “Napakaganda ng proyektong ito dahil hindi lamang ito gabay sa ating pamayanan kundi naglalayong palawakin ang serbisyong panlipunan sa antas ng komunidad. Ang DSWD ay hindi lang ahensya na nagbibigay ng ayuda, kundi nagsusulong ng tunay na pag-unlad. Ang proyektong ito ay hakbang patungo sa mas makabuluhang serbisyong panlipunan. Maraming salamat sa DSWD at sa patuloy na paggabay.”

Inaasahang masisimulan agad ang implementasyon ng nasabing proyekto, at ito’y nakatakdang makumpleto sa darating na buwan ng Disyembre, na magbibigay ng malaking benepisyo sa mga komunidad.

####