Laur, Nueva Ecija – Sa ilalim ng programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS), naipasa na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3 ang 14 na sub-projects na may kabuuang halaga na mahigit ₱11 milyon.

Ang mga proyekto ay Concreting of barangay road, Construction of Day Care Center, Construction of Level II Water Supply System, at Construction of one (1) unit High School Classroom Building sa 14 barangay ng Laur, Nueva Ecija.

Pinangunahan ni DSWD Regional Director Venus F. Rebuldela ang seremonya, kasama si Aladin L. Naje, Regional Program Coordinator ng KALAHI-CIDSS, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Laur sa pangunguna ni Mayor Christopher B. Daus. Dumalo rin ang mga opisyal ng munisipyo, mga kapitan ng barangay, at mga community volunteers.

Kabilang sa aktibidad ay ang ribbon cutting at opisyal na turnover ng mga sub-projects, kasabay ng pagbabahagi ng mga karanasan ng mga community volunteers at lider ng barangay na naging bahagi ng implementasyon ng mga proyekto.

Nagbigay din ng mensahe at pasasalamat si Mayor Daus, “Nung ako po ang naging Mayor dito kopo lubos na naintindihan kung paano ang programang [KALAHI-CIDSS] ito at kung gaano kalaki ang impact ng naitutulong nito lalo’t higit po sa barangay natin. Kami po’y nagpapasalamat sa DSWD KALAHI-CIDSS. We’re praying and hoping na sana po mapabilang pa muli sa mga susunod na programa ng DSWD.” KALAHI-CIDSS.

Ang pangunahing layunin ng DSWD Field Office 3, sa pamamagitan ng KALAHI-CIDSS, ay mapataas ang kalidad ng serbisyong publiko at mabigyan ng mas malawak na partisipasyon ang mga mamamayan sa mga proseso ng pagdedesisyon, pagpaplano, pagbabadget, at implementasyon ng mga programang direktang tumutugon sa kanilang pangunahing pangangailangan, partikular sa mga komunidad na higit na nangangailangan.

image_pdfimage_print