Angeles City – Sa pangunguna ni Regional Director Venus F. Rebuldela, isinagawa ng Department of Social Welfare and Development Field Office 3 ang tatlong araw na Contract Management Workshop sa ilalim ng programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS).
Ang layunin ng workshop ay mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga community volunteers para sa mas epektibong pamamahala ng mga kontrata, partikular sa konteksto ng Community-Driven Development ng KALAHI-CIDSS.
Dinaluhan ang workshop ng mga BAC Chairperson, BDC-TWG Chairperson, PIT Head, at iba pang mga community volunteers mula sa mga bayan ng Dingalan, Aurora; Quezon, Nueva Ecija; Licab, Nueva Ecija; Laur, Nueva Ecija; Cabiao, Nueva Ecija; Balagtas, Bulacan; Guiguinto, Bulacan; Olongapo City, Zambales; Ramos, Tarlac; at San Manuel, Tarlac.

Isa sa mga dumalo, si G. Chona S. Tube, BDC-TWG Chairperson ng Barangay Paltic, Dingalan, Aurora, ay nagbahagi ng kanyang mga natutunan sa workshop, “Natutunan po namin bilang isang team kung paano mas maayos na pamahalaan ang mga proyekto, at kung anong mga estratehiya ang dapat gawin sakaling magkaroon ng mga pagkaantala sa implementasyon.”
Ang pangunahing layunin ng programa ay  mas palalimin ang pag-unawa ng mga kalahok sa kritikal na tungkulin at responsibilidad ng mga community volunteers sa matagumpay na pagpapatupad ng mga sub-projects. Kasabay nito, tinalakay din ang mga wastong pamamaraan at pamantayan sa paggamit ng mga tamang kasangkapan para sa epektibong implementasyon ng mga kontrata sa mga sub-project.
image_pdfimage_print