City of San Fernando, Pampanga – Pormal nang binuksan ang tatlong araw na Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Bazaar sa isang maikling ribbon cutting ceremony na pinangunahan ni DSWD Regional Director Venus F. Rebuldela. Kasama sa seremonya sina Division Chief ng Promotive Services Division Susan S. Hernandez, EPAHP Regional Program Coordinator Maynard A. Cezar, at SLP Regional Program Coordinator Wilma T. Gutierrez, katuwang ang SM Pampanga.

 

Mahigit 53 Community-Based Organizations (CBOs), mula sa hanay ng mga magsasaka at iba’t ibang grupo sa ilalim ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), National Irrigation Administration (NIA), Cooperative Development Authority (CDA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), National Anti-Poverty Commission (NAPC), at DSWD SLPAs, ang nagtipon upang ipamalas ang kanilang mga natatanging produkto.

 

Tampok sa Bazaar ang mga dekalidad na pagkain tulad ng gourmet bangus, pastillas, sari-saring klase ng bigas, farm-to-market fruits and vegetables, at masasarap na panghimagas. Bukod dito, makikita rin ang mga non-food items tulad ng customized bonsai trees, bedsheets, pabango, sapatos, at mga produktong pamasko—lahat ng ito ay mula sa mga benepisyaryo at komunidad.

 

Sa kanyang welcome message, hinikayat ni Regional Director Venus F. Rebuldela ang bawat isa na suportahan ang EPAHP Bazaar. Aniya, “Throughout this bazaar, you will have the opportunity to explore innovative business ideas, each representing the hard work and creativity of local micro entrepreneurs. I encourage you to engage with our vendors, ask questions and support their journeys.”

 

Ang bawat produktong mabibili sa bazaar ay direktang makakatulong sa pagpapabuti ng kabuhayan ng ating mga benepisyaryo, na nagbibigay ng mas magandang kinabukasan para sa kanilang mga pamilya at komunidad.

 

Inaanyayahan ang lahat na suportahan ang ating mga lokal na produkto ng mga  benepisyaryo at tangkilikin ang mga produkto sa EPAHP Bazaar sa SM Pampanga, mula 10:00 AM hanggang 9:00 PM, hanggang sa darating na Miyerkules, Setyembre 25, 2024.

 

####

image_pdfimage_print