Noong September 27, 2024, nagdaos ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) General Assembly cum Caravan of Services sa Dingalan, Aurora para sa 1,353 4Ps beneficiaries.
 
Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan mula sa pagtutulungan ng DSWD Field Office 3 – SWAD Aurora sa pangunguna ng Municipal Action Team (MAT) Dingalan at ng lokal na pamahalaan.
 
Ang Caravan of Services ay dinaluhan ng mga lokal na opisyal, iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, at mga lokal na ahensya ng Dingalan at Lalawigan ng Aurora katulad ng Rural Health Unit, Municipal Civil Registrar, Philippine National Police (PNP), Dingalan Community College, LGBT Community, Commission on Elections (COMELEC), Public Employment Service Office or (PESO), Personal Collection, and PhilHealth.
 
Nagkaroon ng libreng konsultasyon, libreng gamot, information campaign, libreng legal consultation, libreng gupit at kulay ng buhok, at iba pa. Bukod pa rito, idinaos din ang Provincial Search for Exemplary Child na aktibong dinaluhan ng mga 4ps monitored child.
 
Layunin ng aktibidad na maipaalam ng bawat ahensya ang kanilang mga proyekto o programa na maaaring makatulong sa mga 4Ps beneficiaries upang maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.