Cuyapo, Nueva Ecija – Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Kapit Bisig Laban Sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project (KALAHI-CIDSS PMNP) ay nagdaos ng Inauguration at Turn-over Ceremony ng 51 subprojects.

Ang Philippine Multi-sectoral Nutrition Project (PMNP) ay isang mahalagang inisyatiba na naglalayong tugunan ang problema ng malnutrisyon at iba pang sanhi nito sa bansa.

Mahigit 44 barangay ang nabigyan ng proyekto tulad ng Purchase of Kitchen Amenities to be used for Supplemental Feeding, Improvement of Existing Child Development Center, Installation of Handwashing Facility, Construction of Communal toilet with hand washing facility, and Training of Basic Nutrition.

Sa Pangunguna ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, dinaluhan ito ni Assistant Secretary for Specialized Programs under Operations Group, Asec Florentino Y. Loyola Jr, Deputy National Program Manager for Operations, Director Rolando Villacorta Jr., DSWD Regional Director Venus F. Rebuldela, sa pamamagitan ni Assistant Regional Director for Operations Armont C. Pecina, Division Chief ng Promotive Services Division, Susan S. Hernandez, katuwang ang Lokal na Gobyerno ng Cuyapo sa pangunguna ni Municipal Mayor Hon. Florida P. Esteban.

Hinighlight sa aktibidad ang pagbabahagi ng accomplishments ng programa, Gallery walk, ribbon cutting at ang Turn-over ng 51 subprojects.

Nagbigay din ng mensahe si Asec Florentino Y. Loyola Jr. sa lahat ng mga barangay, ” Ngayon, sa ating pagpapasinaya at pagbubukas ng 51 community subprojects dito sa Cuyapo, Nueva Ecija, hindi lamang tayo nagbubukas ng pinto tungo sa mas maunlad na kinabukasan para sa susunod na henerasyon—nagbubukas din tayo ng mas maliwanag na landas patungo sa mas malusog at mas matatag na mga pamayanan. Noon, kapit-bisig tayo tungo sa kaunlaran. Ngayon, kapit-bisig na rin tayo tungo sa kalusugan”.

 

####