19 officers mula sa iba’t ibang Sustainable Livelihood Program Associations (SLPA) sa Mariveles, Bataan lumahok sa isinagawang Capability Building Activity ng SWAD SLP-Bataan.

Layunin ng aktibidad na paigtingin ang kaalaman patungkol sa SLP, pagtibayin ang pag-oorganisa ng samahan at pagsasapuso ng mga responsibilidad ng isang mabuting lider ng samahan.

Ang isinagawang SLP activity ay aktibong sinuportahan at pinondohan ng lokal na pamahalaan ng Mariveles sa pangunguna ni Mariveles MSWDO Raymundo M. Cuadro.

Ayon kay Cuadro, ang lokal na pamahalaan ng Mariveles ay nagsasagawa ng adoption at replication ng mga serbisyo at programa ng DSWD tulad ng SLP, 4ps at Social Pension.

Nakikita ng kanilang pamahalaan ang mabuting dulot ng mga programa ng DSWD sa kanilang bayan, kaya’t kanilang sinagawa ang replication ng SLP, 4PS at Social Pension, pinopondohan din taon-taon, pinapalawig at aktibong sinusuportahan ang mga programa ng DSWD para sa kanilang mga mamayan.

Sa ngalan ni Dir. Venus F. Rebuldela ay pinangunahan ni Regional Program Coordinator Wilma T. Gutierrez at SLP -Bataan Provincial Coordinator Ricky F. Gacayan kasama ang iba pang kinatawan mula sa SLP bilang tagapamahala at resource speakers.

Katuwang din sa nasabing aktibidad si Senior Trade & Industry Development Specialist Jeypy Ocampo ng Department of Trade and Industry – Bataan para sa isinagawang session on Financial Literacy at entrepreneurship activity.

Sinaksihan at personal din na binisita nila Mariveles Acting Mayor Hon. Angelito S. Rubia at Municipal Administrator Tito Pancho S. Catipon ang nasabing aktibidad.

image_pdfimage_print