Idinaos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barsngay (KALAHI-CIDSS KKB) ang Program Launching at Municipal Orientation sa Munisipalidad ng Ramos, Tarlac.


Hinighlight sa aktibidad ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing, Pagbibigay ng Orientation sa programa, at pagbibigay ng suporta sa stratehiya ng KALAHI-CIDSS na CDD.

Sa ngalan ni DSWD Regional Director Venus F. Rebuldela dinaluhan ito ng Office of the Assistant Director for Operations Social Welfare Officer III Beatrice Marie A. Bondoc, Regional Program Coordinator ng KALAHI-CIDSS, Aladin L. Naje, katuwang ang Munisipalidad ng Ramos, Tarlac sa pangunguna ni Municipal Mayor Celso L. Banag, Municipal Vice Mayor Diosdado T. Reginaldo, mga kawani ng Local Government Unit, at ang siyam (9) na barangay.

Dinaluhan din ito ng KALAHI-CIDSS National Program Managament Office sa pangunguna ni National Program Manager, Atty. Bernadette A. Mapue-Joaquin, RSW, CESE, kasama sina Project Development Officer V, Mr. Jezon P. Romano, at Project Development Officer IV, Mr. Vincent B. Magallanes.

Kasunod ng programa ay magkakaroon ng pag elect/pagpili ng mga community volunteers na kung saan sila ang sasanayin para sila ay maempower at makatuwang sa pag-implementa sa programa.

Ang KALAHI-CIDSS KKB ay gumagamit ng stratehiya na Community Driven Development (CDD) na naglalayon na bigyang pagkakataon ang mga komunidad na magdesisyon, magplano, at magbigay priyoridad ng mga problema sa barangay na patunay sa pagkakaroon ng pagbabago at kaunlaran sa kanilang mga komunidad.

####

image_pdfimage_print